Hyun Bin, pasikretong nag-donate ng malaking halaga para sa COVID-19 outbreak

Hyun Bin, pasikretong nag-donate ng malaking halaga para sa COVID-19 outbreak

- Pasikreto umanong nag-donate ang South Korean Superstar na si Hyun Bin ng malaking halaga para sa coronavirus outbreak sa kanilang bansa

- Batay sa mga lumabas na ulat, 200 million Won o tinatayang nasa P8.5 million ang halagang ibinigay ng aktor

- Kahit ang agency nito ay hindi umano alam ang ginawang ito ni Hyun Bin na isa sa lead actors ng hit South Korean romantic drama na “Crash Landing On You"

- Napabalita rin na ilan pang South Korean stars ang nagdonate rin ng malalaking halaga para makatulong sa outbreak ng nakamamatay na virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi lang sa Korean drama hinahangaan ngayon ang South Korean actor na si Hyun Bin matapos itong magdonate ng malaking halaga para sa coronavirus outbreak sa kanilang bansa.

At ang kanyang donasyon ay palihim pa umanong ginawa nito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabunyag ang ginawa nito.

Sa isang ulat ng Koreaboo, sinabi rito na sa non-profit organization na Community Chest of Korea palihim na nag-donate ang South Korean star.

Batay sa mga lumabas na ulat, 200 million Won o tinatayang nasa P8.5 million umano ang halagang ibinigay ng aktor.

Noong February 21, naglabas ng isang open letter si Hyun Bin sa pamamagitan ng kanyang agency na VAST Entertainment na nagpapahayag ng pag-aalala para sa lahat dahil pagkalat ng COVID-19, na una nang naiulat ng KAMI.

Kasunod na umano nito ang palihim na pagdo-donate nito at sinabi pa umano ng aktor na ilihim lamang ang kanyang ginawa.

Kahit ang agency nito ay hindi raw alam ang ginawang ito ni Hyun Bin na isa sa lead actors ng hit South Korean romantic drama na “Crash Landing On You".

Samantala, bukod kay Hyun Bin, nag-donate rin ng 100 million Won ang leading lady nito sa CLOY na si Son Ye Jin.

Anito, malapit sa kanyang puso ang Daegu na siyang epicenter ng COVID-19 sa South Korea, dahil dito siya nagmula at naroon pa ang kanyang mga magulang.

Nagbigay din ng tig-100 million Won ang iba pang South Korean Superstars tulad nina Gong Yoo, Song Joong Ki, Park Seo Joon, Kim Hye-soo, Jung Woo-sung, Bae Suzy, at Hyeri.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang ulat ng KAMI, isang hotel sa China na nagsisilbing "coronavirus quarantine center" ang gumuho.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pinoy Confessions: Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit nang lapit sa’yo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender. – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel