Hotel na ginawang coronavirus quarantine center sa China, gumuho

Hotel na ginawang coronavirus quarantine center sa China, gumuho

- Gumuho ang Xinjia Express Hotel sa Quanzhou, China nito lamang Sabado ng gabi

- Ayon sa mga ulat na lumabas, nagsisilbi itong medical surveillance facility para sa mga may close-in contacts sa mga taong nagpositibo sa coronavirus

- Mahigit 30 na biktima na ang nakuha mula sa gumuhong hotel ayon sa huling update at tinatayang nasa 70 tao ang naroon nang maganap ang pagguho

- Agad namang sumaklolo ang mga awtoridad sa insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gumuho ang Xinjia Express Hotel sa Quanzhou, China nito lamang Sabado, bandang 7:00 ng gabi, March 7, 2020.

Batay sa ulat ng The Beijing News, nagsisilbi itong medical surveillance facility para sa mga may close-in contacts sa mga taong nagpositibo sa coronavirus, ayon na rin daw sa ilang opisyal ng gobyerno.

Sa isang ulat ng South China Morning Post, 34 biktima na ang nakuha mula sa gumuhong gusali at base sa mga reports ng awtoridad, tinatayang nasa 70 tao ang nasa gusali nang maganap ang pagguho.

Ayon naman sa isang saksi na nakatira malapit sa nasabing hotel, inakala raw niya na isang pagsabog ang kanyang narinig. Nang silipin niya ito mula sa kanyang tirahan ay tsaka lang niya napag-alaman na gumuho ang hotel.

Sabi pa sa ulat ng SCMP, 147 bumbero at 26 na emergency crews ang nagtutulong-tulong ngayon para iligtas ang iba pang na-trap sa loob ng gumuhong gusali.

Samantala, ayon sa pinakahuling tala, mayroon nang 105,906 na kaso ng coronavirus at 3,567 na rito ang nasawi.

Sa Pilipinas, mayroon nang anim na kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19. Isa sa mga ito ay nasa kritikal na kalagayan, na una nang naibalita ng KAMI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pinoy Confessions: Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit nang lapit sa’yo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender. – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel