Babaeng nag-viral sa post niya sa loob ng bus, inihayag ang kanyang panig

Babaeng nag-viral sa post niya sa loob ng bus, inihayag ang kanyang panig

- Matapos umani ng negatibong reaksiyon mula sa netizens, binura ng isang babae ang kanyang post na kuha sa loob ng bus

- Agad naman niyang inihayag ang kanyang panig matapos mabasa ang post ng lalaking nahagip ng kanyang camera at napasama sa kanyang post

- Aniya, inaamin niyang nakaligtaan niyang takpan ang mukha ng lalaki kaya binura niya at pinalitan ang kanyang post

- Ikinagulat niya diumano kung bakit binilugan ang mukha ng lalaki sa post na ibinahagi nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos magviral at umani ng negatibong reaksiyon ang isang post ng babaeng pasahero ng isang bus, binura niya ito at ipinaliwanag ang kanyang panig.

Sa isang Facebook live, minabuti ng Facebook user na si Sam Francisco Datu na ilabas ang kanyang panig. Ito ay matapos ibahagi ng lalaking nagngangalang Denmark Maranan ang kanyang post. Si Maranan ang lalaking nahagip ng camera nang kumuha ng litrato si Datu.

Ibinahagi niya ang kanyang saloobin dahil sa kanyang sitwasyon sa isang pampublikong sasakyan. Sa Facebook live, pinaliwanag niya na hindi si Maranan ang kanyang tinutukoy.

Hindi niya umano inasahan ang reaksiyon at mahilig siyang magpost ng kalokohan at kakulitan niya. Matapos umano magpost ni Maranan, nagpadala ng mensahe si Datu at humingi ng dispensa.

Nilinaw niya rin na hindi siya ang naglagay ng bilog doon sa mukha ng lalaki na nakadagdag ng reaksiyon mula sa netizens.

Ani Datu, hindi naman makatarungan ang mga masasakit na salitang sinabi laban sa kanya dahil lamang sa kanyang post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news

Hiniling niya na sana ay huwag idamay ang kanyang asawa at mga anak.

Hangad namin dito sa KAMI na magkaayos na ang magkabilang panig at nawa ay mangibabaw ang pag-ibig at malasakit sa bawat isa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

GMA's newest series "Descendants of the Sun," which is an adaptation of a hit Korean series premiered on February 10. Its cast including Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis-Smith, and Rocco Nacino talked about their series in an interview with KAMI. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel