Jay Sonza, may matapang na pahayag kaugnay sa pamamaril sa van ni Kim Chiu

Jay Sonza, may matapang na pahayag kaugnay sa pamamaril sa van ni Kim Chiu

- Hindi raw nasunod ang "standards" sa pag-iimbestiga sa isang krimen sa nangyaring pamamaril sa sasakyan ni Kim Chiu ayon kay Jay Sonza

- Ito ay matapos makarating sa beteranong journalist ang isang amateur video na kuha ilang sandali matapos ang insidente

- Inilarawan pa nito ang naging aksyon ng aktres at ng mga rumespondeng pulis

- Mabilis na nag-viral ang nasabing video at umani ng sari-saring reaction sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi raw nasunod ang standard na imbestigasyon sa isang krimen sa nangyaring pamamaril sa sasakyan ng Kapamilya actress na si Kim Chiu, ayon sa beteranong journalist na si Jay Sonza.

Una nang naibalita ng KAMI ang nangyaring pamamaril sa van ni Chiu na nangyari sa Katipunan at C.P. Garcia Avenue sa Quezon City.

Naglabas ng kanyang opinyon si Sonza matapos makarating dito ang isang amateur video na kuha ilang sandali matapos ang pananambang sa van ni Chiu noong Miyerkules.

Inilarawan pa nito ang naging aksyon ng aktres, ng mga kasama nito at ng mga rumespondeng pulis.

Sa nasabing video, makikita ang pag-alis ng aktres at ng personal assistant nito na sinundo ng isang pulang sasakyan, na una nang naibalita ng KAMI.

Mabilis na umalis ito na ineskortan pa ng mga pulis palayo sa pinangyarihan ng pamamaril.

Agad na nag-viral ang nasabing video na kuha ng isang netizen.

Pero ayon kay Sonza, hindi raw ito ang dapat na ginawa ng mga rumespondeng pulis at ng mga biktima.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanyang Facebook account:

"thanks.

"somebody sent me an amateur video of the katipunan ambush. immediately after the shooting incident, 3 traffic cops arrived and escorted a red AUV.

"The occupant of the black van lazily transferred to the red vehicle. Also the luggage from the black van were transferred to the red vehicle.

"In other words, the scene of the "crime" was not preserved as is the standard. The area was not cordoned off. There were no SOCO investigators.

"The lady passenger and companion did not bother to talk to the police officer while gathering their belongings from the black vehicle.

"The red vehicle sped away and was escorted by the 3 motorcycle cops to somewhere.

"End of the video.

"And they called it an ambush, a criminal activity that should have merited a full scale criminal investigation, preserved the scene. of the crime, cordon the area, and gather the victims in one secured place or brought to the a criminal investigation facility for defriefing or proper inquisitions.

"none of these standards were followed."

Sa ilang FB post ni Sonza, ilang matapang at maaanghang na pahayag na rin ang ibinahagi nito sa kanyang mga followers kaugnay sa nangyaring ambush kay Chiu.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jay Sonza ay isang beteranong journalist at dating talk show host.

Naging news director, producer, presenter din ito ng ABS-CBN bago lumipat sa GMA.

Isa si Sonza sa kilalang tagasuporta ng administrasyong Duterte at kilala sa kanyang matatapang na pahayag.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pinoy Confessions: Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit nang lapit sa’yo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender. – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel