Ligtas siya! Estudyanteng hinablutan ng CP, hinimatay sa paghabol sa snatcher

Ligtas siya! Estudyanteng hinablutan ng CP, hinimatay sa paghabol sa snatcher

- Hinabol ng isang Grade 10 student ang mga snatcher na nanghablot ng kanyang cellphone

- Lakas-loob itong sumabit sa tricycle na sinasakyan ng mga snatcher kung saan siya ay nakaladkad pa

- Sinubukang tumakas ng mga salarin at tinangka pa na i-abot ang cellphone sa nakasalubong lamang na naka-bisikleta

- Nang iaabot na ng lalaki ang CP sa humahabol na estudyante, hinimatay na ito

- Napag-alamang may sakit sa puso ang dalagita matapos na madala ito sa ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sapul sa CCTV ang ilang eksena ng pagkuha ng cellphone ng isang Grade 10 student sa Caloocan City.

Sa ulat ng GMA news, bandang alas nuebe na ng gabi noong Marso 5 nang hablutin ng dalawang lalaking naka-tricycle ang ang cellphone ng nadaanang dalagita.

Alisto naman ang estudyante at nagawa pang sumabit sa tricycle na sinasakyan ng mga salarin.

Bagaman at nakaladkad ito, matapang na nahabol pa rin niya ang mga snatcher na nagawa pang ibangga ang tricycle bago ito tumakas.

Nang makatakbo, tinangka pa ng isang suspek na i-abot sa dumaang lalaking naka-bisikleta ang cellphone ng biktima.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bago pa man maibigay ng lalaki ang CP sa dalagita ay hinimatay ito.

Nang mahimasmasan, naisugod na ito sa ospital. Napag-alamang may sakit sa puso pala ang estudyante.

Nahuli naman ang dalawang salarin dahil nakahingi ng saklolo ang kanilang biktima.

Nabugbog pa ng mga rumespondeng taumbayan ang dalawa at nadakip ang mga ito ng awroridad.

Samantala, maalalang maigting na ipinagbabawal ng DepEd ang pagdadala umano ng cellphones sa paaralan.

Sa ulat ng RMN, sinabing taong 1999 pa ng ipinatupad ng naturang departamento ang pagbabawal ng pagdadala ng CP sa paaralan alinsunod sa Department Order 83 Series of 2003.

Ito ay upang makaiwas sa anumang magiging panganib ng mag-aaral tulad na lamang ng nangyari sa dalagitang ito na makikitang naka-uniporme pa at galing sa paaralan.

Matagal nang panawagan ng DepEd sa kanilang ma social media pages na hangga't maaari ay huwag nang pagdalahin ng gadgets ang mga anak sa paaralan kung hindi naman kailangan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre!

TikTok Challenge In Public: Come And Dance With Me! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel