Video matapos ang pamamaril sa van ni Kim Chiu, nakuhanan ng netizen

Video matapos ang pamamaril sa van ni Kim Chiu, nakuhanan ng netizen

- Kumalat sa social media ang isang video matapos ang pamamaril sa sasakyan ng aktres na si Kim Chiu

- Sa video na kuha ng isang netizen, makikita pa ang pag-alis ni Kim mula sa kanyang van

- Makikita rin dito na sinundo ito ng isang pulang sasakyan na ayon sa mga ulat ay dumiretso sa taping ng kanyang teleserye

- Ilang pulis din ang nag-escort sa sumundong sasakyan ng Kapamilya actress

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Halos dalawang milyon na ang views ng video kung saan makikita ang nangyari matapos ang pamamaril sa sasakyan ng aktres na si Kim Chiu.

Sa nasabing video na in-upload ng YouTube channel na Team Ramento Vlogs, makikita pa ang pag-alis ni Kim mula sa kanyang van.

Maririnig din ang ilang saksi na nagulat nang makita ang aktres na siya palang sakay ng van na pinagbabaril ng riding in tandem sa Katipunan sa Quezon City.

Dito napag-alamang isang pulang sasakyan ang agad na dumating para sunduin si Kim at ang personal assistant nito.

Ilang pulis din ang dumating sa pinangyarihan at nag-escort sa sasakyan ng aktres na ayon sa mga ulat ay agad na dumiretso sa taping ng kanyang teleserye.

May ilang kumuwestyon sa ginawang ito ni Kim lalo pa at muntik na itong mapahamak dahil sa pamamaril sa kanyang sasakyan, kabilang na ang beteranong journalist na si Jay Sonza.

Ayon pa nga kay Sonza, isa raw "malaking drawing" ang nangyaring ambush kay Kim, na una nang naibalita ng KAMI.

Sabi ni Kim, wala siyang ideya sa posibleng motibo ng pamamaril sa kanyang sasakyan.

Samantala, ayon naman sa PNP, posible raw na inabangan talaga ang van ni Kim dahil sa nakuhang CCTV footage ng mga awtoridad.

Si Kimberly Sue Yap Chiu, o mas kilala sa kanyang screen name na Kim Chiu, ay isang Chinese-Filipino actress, recording artist, at endorser.

Nakilala ito matapos manalo sa first season ng Pinoy Big Brother Teen Edition.

Una nang naibalita ng KAMI ang nangyaring pamamaril sa van ni Kim noong Miyerkules ng umaga sa Katipunan at C.P. Garcia Avenue.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pinoy Confessions: Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit nang lapit sa’yo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender. – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel