Dahil sa COVID-19: Mayor ng Navotas, nakiusap sa DepEd na ipasa na lahat ng mag-aaral

Dahil sa COVID-19: Mayor ng Navotas, nakiusap sa DepEd na ipasa na lahat ng mag-aaral

- Nanawagan ang alkalde ng Navotas na si Toby Tiangco sa Department of Education na ipasa na ang mga bata para sa kasalukuyang panuruang taon

- Ito ay dahil daw sa patuloy na paglaganap ng Coronavirus disease 2019 sa bansa partikular na sa Metro Manila

- Kasabay ng kanyang pagkansela ng klase sa Lunes, Marso 9, isinabay na niya ang mungkahi sa DepEd

- Sana raw ay mas isipin ang kalusugan at buhay ng mga mag-aaral gayung nasa dalawa hanggang tatlong linggo na lamang daw naman ang klase ng mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kasabay ng pagsususpinde ng klase ni Mayor Toby Tiangco ng Navotas sa kanilang lungsod sa Lunes, Marso 9, nakiusap na rin siya sa Department of Education na ipasa na ang mga estudyante para sa kasalukuyang panuruang taon.

Ayon kay Mayor Tiangco, iilang linggo na lang naman ang nalalabi sa klase para sa school year na ito at sana'y mas pahalagahan ng DepEd ang kalusugan at buhay ng mga bata kaugnay sa patuloy na pagdagdag ng kaso ng Coronavirus disease 2019 sa bansa.

Ayon sa panayam ng GMA news sa alkalde, minungkahi raw nito na gamitin ang kasalukuyang general average ng mga bata at iyon ang gawinilang grado para sa taong ito.

Sinabi pa ni Tiangco na mahalaga ang bawat baitang sa pag-aaral ngunit sa panahon daw ngayon, mas dapat nating isipin ang kapakanan ng maayos na kalusugan ng ating mga estudyante.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Base sa ulat ng ABS-CBN, pag-iingat ang nais na isagawa ng alkalde sa kanilang lungsod. Kasalukuyan kasing wala pang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar at nais nilang mapanatili itong 'zero cases.'

“Take good care of yourself and always practice good hygiene and healthy lifestyle,” paalala rin ng alkalde.

Samantala, ilang oras bago magsuspinde ang Navotas ng klase para sa Lunes, kinumpirma na ni DOH secretary Francisco Duque III sa isinagawa nilang press briefing ang ikaanim na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Siya ang misis ng 62-anyos na lalaking pasyente na ikalima sa kumpirmadong tinamaan ng kinatatakutang virus sa buong mundo.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang DepEd bilang tugon nito sa mungkahi ni Mayor Tiangco.

Nakaantabay lamang umano sila sa DOH na sa kasalukuyan ay nagsabing hindi pa naman kailangang kanselahin ang mga klase.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre!

TikTok Challenge In Public: Come And Dance With Me! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel