Ikalima sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, nasa kritikal na kondisyon

Ikalima sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, nasa kritikal na kondisyon

- Nasa kritikal na kondisyona ng 62-anyos na lalaking ikalima sa kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa

- Mismong si DOH secretary Francisco Duque III ang nagkumpirma nito sa isinagawang press briefing tungkol updates ng Coronavirus disease 2019 sa bansa ngayong Sabado, Marso 7

- Mayroon pa ring severe pneumonia ang lalaki at may ilang sakit ding iniinda bukod dito

- Siya ang mister ng ikaanim na kumpirmadong kaso sa Pilipinas ng kinatatakutang virus

- kasalukuyan nang naka code red alert ang mga medical personnel kung saan lahat sila ay dapat na maging handa sa anumang mga susunod na pangyayari kaugnay sa COVID-19 sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinumpirma mismo ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na nasa kritikal na kondisyon ang ikalima sa mga nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 sa bansa.

Kahapon, Marso 6 nang binahagi sa publiko na nadagdagan ng bilang ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas at isa na rito ang 62-anyos na Muslim na madalas na magpunta sa kanilang prayer room sa San Juan.

Siya ang ikalimang kaso ng kinatatakutang virus sa mundo at misis naman niya ang kapapahayag pa lamang na ikaanim na nagpositibo sa COVID-19.

Kasama ni Duque si Research Institute for Tropical Medicine (RITM) head Dr. Celia Carlos sa press briefing na isinagawa niya ngayong Sabado, Marso 7.

Sinabi ng RITM head na maigting nilang binabantayan ang kalagayan ng lalaki dahil sa mayroon pa rin itong severe pneumonia.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod pa rito, mayroon din siyang hypertension, diabetes mellitus at umiinda rin ito ng acute kidney injury.

Paalala naman ni Duque na umaabot sa apat hanggang anim na linggo ang recovery ng mga pasyente ng COVID-19 base sa naitalang kaso sa China.

Samantala, ang ikaanim na kaso at misis ng ikalimang pasyente ay nasa stable condition na ngayon.

Naka-taas na rin sa code red alert ang Department of Health kung saan nararapat na maging handa anumang oras ang kanilang departamento partikular ang mga medical personnel sa mga susunod na ganap ng COVID-19 sa bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre!

TikTok Challenge In Public: Come And Dance With Me! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel