Matteo at Sarah, pinasilip ang ilan sa mga natanggap na regalo matapos ang kanilang kasal

Matteo at Sarah, pinasilip ang ilan sa mga natanggap na regalo matapos ang kanilang kasal

- Sa kanilang social media accounts, nagpasalamat ang mag-asawang Matteo at Sarah Guidicelli sa mga regalong kanilang natanggap

- Ito ay kasunod ng kanilang kontrobersiyal na pagpapakasal na talaga namang usap-usapan hanggang sa kasalukuyan

- Ilan sa nagpadala ng regalo at pagbati sa mag-asawa ay ang kanilang mga sponsors at endorsements

- Sa kabila nito, marami ang nag-aabang ng kanilang pagbabahagi sa social media tungkol sa kanilang buhay bilang mag-asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinahayag ng mag-asawang Matteo at Sarah Guidicelli ang kanilang pasasalamat sa mga nagpadala ng pagbati at regalo matapos ang kanilang kontrobersiyal na pagpapakasal. Sa kani-kanilang social media accounts.

Sa kanyang Instagram sotries, ibinahagi ni Matteo ang ilan sa mga natanggap na regalo kalakip ang mga pagbati para sa kanila.

Samantala, natuwa naman ang mga tagahanga ni Sarah G. na kilala bilang mga Popsters sa tila pagiging active muli sa social media ng kanilang idolo.

Matapos ang pagbati mula sa kanyang ASAP family, nagbahagi ng post ang Instagram account ng popstar at nagpasalamat.

Pinasalamatan din niya ang ilan sa mga produkto na iniiendorso niya na hindi nakalimot na magpadala ng regalo sa kanilang mag-asawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang naging usap-usapan ang kasalang Matteo at Sarah matapos magreklamo ng guard ni Sarah laban kay Matteo Guidicelli. DUmulog pa ito sa programa ni Raffy Tulfo.

Dineklara naman ni Mr. Tulfo na close na ang kaso ng guard at ni Matteo matapos magkasundo ang guard at si Vic Del Rosario na magbibigay ang kampo nila Matteo ng pera bilang tulong sa panimula nito.

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

POPULAR: Read more about Matteo and Sarrah Guidicelli here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

GMA's newest series "Descendants of the Sun," which is an adaptation of a hit Korean series premiered on February 10. Its cast including Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Jasmine Curtis-Smith, and Rocco Nacino talked about their series in an interview with KAMI. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel