DOH, kinumpirma ang ikaanim na kaso ng COVID-19 sa bansa

DOH, kinumpirma ang ikaanim na kaso ng COVID-19 sa bansa

- Kinumpirma mismo ni Health Secretary, ang ikaanim na kaso ng pasyenteng nagpositibo sa COVID-19

- Sinabing ito raw ay misis ng 63-anyos na Muslim na siyang ikalimang kaso ng kinatatakutang virus

- Matapos i-deklara ng DOH ang ikaapat at ikalimang kaso kung saan ang isa sa dalawang ito ay madalas sa isang prayer room sa Barangay Greenhills, agad na pansamantalang pinasara ito ng alkalde ng San Juan upang maipalinis

- Nagpahayag din nag DOH na maaring magdeklara na ng Public health emergency dahil sa patuloy na pagtaas ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na umakyat na sa anim ang bilang ng kumpirmadong tinamaan ng Coronavirus disease sa bansa.

Kinumpirma mismo ito ni Department of Health Secretary Francisco Duque III.

Sa press briefing na isinagawa ng DOH ngayong tanghali ng Marso 7, napag-alamang ang ikaanim na kasong ito ay misis ng ikalimang kaso na 62-anyos na lalaki.

Base sa ulat ng GMA news, ang ikalimang kaso ng COVID-19 ay isang muslim na madalas magtungo sa isa nilang prayer room sa Barangay Greenhills.

Dahil dito, agad na pansamantalang ipinasara ng alkalde ng San Juan na si Mayor Francis Zamora ang naturang pook dasalan upang maipalinis at para maiwasan na ring maikalat pa ang virus. Una na itong naiulat ng KAMI.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa ABS-CBN news, naging mas lalong masusi ang paghahanap sa mga nakasalamuha ng lalaki sa naturang prayer room lalo na ngayon na ang mismong misis niya ay nagpositibo na rin sa kinatatakutang sakit.

Parehong walang travel history ang mag-asawa.

Ito rin ang pinakaunang kaso kung saan nahawa ang pasyente sa taong narito lamang din sa bansa.

Taliwas naman ito sa ikaapat na kaso na kinumpira ng DOH kasabay ng ikalima kahapon, Marso 6.

Nagbiyahe mula sa Japan ang 48-anyos na lalaki na dumating sa bansa nitong Pebrero 25.

Dahil sa mabilis na pagtaas ng bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, Nagpahayag na rin ang DOH na kasalukuyan nang naka-code red alert ang sitwasyon na ito sa bansa.

Dagdag pa ng DOH, maari nang magdeklara ng public health emergency ang pangulo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre!

TikTok Challenge In Public: Come And Dance With Me! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel