'Prayer room' kung saan madalas ang COVID-19 patient, pansamantalang pinasara sa San Juan

'Prayer room' kung saan madalas ang COVID-19 patient, pansamantalang pinasara sa San Juan

- Agad na pinalinis at pansamantalang pinasara ang prayer room na sinasabing madalas puntahan ng pinakabagong pasyente na tinamaan ng COVID-19

- Sinisiguro ng lungsod sa pangunguna ng kanilang alkalde ang kasiguraduhan na magiging malinis at COVD-19 free ang naturang lugar

- Magsasagawa na rin daw di umano sila ng contact tracing upang malaman kung sino-sino ang nakasalamuha ng pasyente na ito

- Ang panlimang pasyente na ito ay di lumabas ng bansa kaya naman maituturing na unang kaso ito ng pagkakaroon ng virus na nasa loob

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dalawang oras matapos kumpirmahin ng Department of Health na isa sa dalawang bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay madalas na nagpupunta sa isang 'prayer room' sa San Juan, agad na nag-utos ang Mayor ng lugar na ipasara ito pansamantala.

Naglabas ng opisyal na pahayag ang alkalde ng San Juan na si Francis Zamora tungkol sa ginawa niyang agarang aksyon upang masiguro ang kaligtasan ng kanyang mamamayang nagtutungo rin sa 'prayer room' na ito ng mga Muslim.

Nalaman ng KAMI na bagaman at hindi taga barangay Greenhills ang bagong pasyenteng may COVID-19, madalas na nagpupunta ito sa naturang prayer room.

Dahil dito, magsasagawa din di umano ang contact tracing ang DOH at ang munisipalidad ng San Juan upang malaman ang mga taong posibleng nakasalamuha ng lalaki.

Samantala, nagbigay paalala rin si Mayor Francis na manatili pa ring kalmado ang publiko at ugaliin ang tamang paghuhugas ng kamay sa bawat oras.

Nagpaalala rin siya ng pagpapanatili ng kalinisan ng lugar na ilan lamang sa mga paraan upang hindi kumalat pa ang kinatatakutang virus na COVID-19.

Narito ang kabuuan ng pahayag ng alkalde.

Samantala, masasabing linggo ng pagsubok ito para sa Greenhills at sa lungsod.

Matatandang nito lamang Marso 2, naganap ang isang hostage incident sa naturang lugar partikular na sa V-mall kung saan isa ang alkalde sa mga nakipag-negosasyon sa hostage-taker.

Sa naunang ulat ng KAMI, tinupad pa ni Mayor Zamora ang isa sa kanyang binitawang salita kapalit ang paglaya ng mga hostages at ito ay ang magpahayag ng saloobin ang hostage-taker na nakilalang si Alchie Paray na dating security guard ng nabanggit na mall.

Lumalabas na ang mga hinaing na hindi napakinggan ang nag-udyok kay Alchie upang isagawa ang paghawak sa nasa 30 empleyado ng Virra mall.

Wala namang naiulat na nasaktan sa mga ito maliban sa sang security officer na tinamaan ng kanyang pamamaril.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre!

TikTok Challenge In Public: Come And Dance With Me! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel