66-anyos na ice cream vendor na naglalako sa kalye, natagpuang walang buhay

66-anyos na ice cream vendor na naglalako sa kalye, natagpuang walang buhay

-Wala nang buhay ang isang 66-anyos na lalaki nang matagpuan ito ng isang motorista

-Ang lalaki na isang ice cream vendor ay pumanaw sa gitna ng kanyang paghahanapbuhay

-Ayon sa mga pulis, nadiskubre ang katawan nito na nakasakay pa sa kanyang motorsiklo na ginagamit sa paglalako ng ice cream sa kanilang bayan

-Walang anumang senyales ng foul play at wala ring nawawala sa mga gamit nito

-Ayon sa pamilya nito, madalas na itong dumadaing ng pagkahilo at hirap na paghinga bago ang pagpanaw nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Wala nang buhay ang 66-anyos na lalaki mula sa Indonesia nang matagpuan ito sa isang daanan ng isang motorista.

Kinilala ang matandang lalaki na si Misyanto, resedente ng Gentengan Hamlet, Leces Village / District, Probolinggo Regency at isang ice cream vendor.

Sa ulat ng Suara Indonesia, sinabi ng mga pulis na nadiskubre ang katawan nito na nakasakay pa sa kanyang motorsiklo na ginagamit sa paglalako ng ice cream sa kanilang bayan.

Batay sa salaysay ng motorista na unang nakakita rito, nakaharang ang motorsiklo ni Misyanto sa daan kung kaya naman agad niya itong pinuntahan nang hindi ito gumalaw kahit pa binusinahan na niya ito.

Ayon pa rito, nang makita niya ang katawan nito habang ang ulo ay nasa manibela ng motor nito, kinutuban na raw ito na tila may mali sa lalaki.

Agad naman daw itong nag-report sa pulisya.

Nang dumating ang mga awtoridad ay ininspeksyon daw ng mga ito ang lugar.

Walang anumang senyales ng foul play at wala ring nawawala sa mga gamit ni Misyanto.

Lumalabas na pumanaw itp dahil sa labis na pagod.

Ayon naman sa pamilya nito, madalas nang dumadaing ng pagkahilo at hirap na paghinga ang kanilang padre de pamilya bago ang pagpanaw nito.

Tumanggi na umano ang pamilya na isailalim sa autopsy ang katawan ni Misyanto.

Nakikiramay ang buong KAMI sa mga naiwan nito. Patunay lamang ang nangyari rito na ang lahat ay kayang gawin ng isang magulang para sa kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pinoy Confessions: Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit nang lapit sa’yo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender. – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel