Dahil sa COVID-19: Pinay sa Italy na inakalang Tsino, nakaranas ng diskriminasyon

Dahil sa COVID-19: Pinay sa Italy na inakalang Tsino, nakaranas ng diskriminasyon

- Nakararanas ng diskriminasyon ang ilang Pinoy na napagkakamalang mga Tsino sa Italy

- Binahagi nila ang kani-kanilang karanasan na talaga namang nakakaalarma

- Kahit pa kasama nila ang kanilang mga anak, nakararanas silang pandirihan ng mga Italyano sa pag-aakalang sila ay mga Tsino

- Naranasan nilang matawag ng mga "maruruming Chinese" at sila raw kasi ang nagpapakalat ng Coronavirus disease 2019

- Apektado rin ang kani-kanilang mga trabaho sa pangamba ng kanilang mga employer na baka infected daw ang mga Pinoy ng kinatatakutang virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang Pinoy sa Italy ang nagbahagi ng kanilang kwento ng diskriminasyong nararanasan doon sa pag-aakalang sila raw ay mga Tsino.

Ayon sa GMA News, isang Pinay sa Milan ang 'pinandirihan' di umano ng galit na galit na kapwa pasahero nila sa isang tren.

Nagagalit di umano ang Italyana dahil inakala raw nitong mga Chinese ang mag-iina.

At kahit pa kasama ng Pinay ang mga anak, di pa rin napigilan ng Italyana na sabihan silang mag-iina na sila ay 'maruming Tsino'.

Galit at nandidiri umano ang ilang Italyano sa mga Tsino dahil ito raw ang responsable sa paglaganap ng kinatatakutang COVID-19.

Ipinagtanggol naman sila ng ibang pasahero at nang mamagitan na ang security, nailipat na ng ibang pwesto ang mag-iina.

Samantala, isa ring Pinay sa Rome si Erlinda Gregorio na tinawag pang mga 'salot' ng mga Italyano roon.

Dahil dito, apektado rin ang kanilang hanapbuhay dahil sa pangamba ng kanilang employer na baka infected na rin ang mga Pinoy ng virus.

Karamihan din sa mga supermarket doon ay halos limas ang paninda dahil sa panic buying.

Maging ang mga paaralan daw doon ay nagsara pansamantala upang mapag-ingatan ang mga bata roon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pati ang mga dating dinarayong tourist spot sa lugar ay halos wala na ring namamasyal sa takot na makakuha ng nakamamatay na sakit.

Samantala, isang Pinoy na nagbiyahe mula sa Japan ang nag-positibo sa COVID-19. Halos kasabay din nito ang isa namang 60-anyos na walang travel history na Pinoy na mayroon na rin ng kinatatakutang virus.

Ayon sa CNN, ito ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kung saan ang pasyente ay di lumabas ng bansa.

Kinumpirma ng Department of Health na ang dalawang huling kaso ng COVID-19 ay pang-apat at panglima na kanilang naitala.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre!

TikTok Challenge In Public: Come And Dance With Me! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel