Jay Sonza, tinawag na "malaking drawing" ang ambush na kinasangkutan ni Kim Chiu

Jay Sonza, tinawag na "malaking drawing" ang ambush na kinasangkutan ni Kim Chiu

- Sa ilang Facebook post ng dating Kapamilya host at journalist na si Jay Sonza, binanatan nito ang ambush na kinasangkutan ni Kim Chiu

- Ayon kay Sonza, para sa mga beteranong mga journalist, matatawag na "malaking drawing " ang nangyaring pananambang sa aktres

- Tila napakahirap daw na paniwalaan ang naging salaysay ng Kapamilya actress na nagawa pa nga raw dumiretso sa taping matapos ang insidente

- Ani Kim, wala siyang kaaway o alam na dahilan para siya ay pagtangkaang patayin ng mga suspek

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May mga patutsada ang dating Kapamilya host at beteranong journalist na si Jay Sonza sa nangyaring ambush kay Kim Chiu noong Miyerkules ng umaga, March 4, na una nang naibalita ng KAMI.

Sa ilang Facebook post ni Sonza, matapang at prangka ang naging opinyon nito kaugnay sa nangyari.

Ayon kay Sonza, para sa mga beteranong mga journalist, matatawag na "malaking drawing " ang nagyaring pananambang sa aktres.

Tila napakahirap daw na paniwalaan ang naging salaysay ng Kapamilya actress na nagawa pa nga raw dumiretso sa taping matapos ang insidente.

"No offense meant, but I find the story incredible to believe," ayon kay Sonza sa isa sa mga FB post nito.

"Malamang writer ng abs-cbn FPJ: Ang Probinsyano ang nagsulat ng "the unbelievable ambush of Kim Chiu."

"walang kalatoy-latoy.

"walang spark.

"pati si Kim umiiyak ng walang luha tuloy," anito sa isa pang FB post.

Samantala, ayon sa salaysay ni Chiu sa isang panayam dito, wala siyang kaaway o alam na dahilan para siya ay pagtangkaang patayin ng mga suspek.

Ayon naman sa Philippine National Police, bagamat hindi nila isinasantabi ang anggulo ng "mistaken identity", lumalabas naman sa imbestigasyon na inabangan ng mga suspek ang sasakyan ng aktres.

Sa isang CCTV footage na inilabas ng mga awtoridad, nakita pa ang mga posibleng suspek na riding in tandem na agad na sumunod sa sasakyan ni Chiu.

Ngunit ayon sa PNP, masyadong malayo ang distansiya ng mga suspek mula sa nilabasang subdivision ng van ni Chiu.

Posible umanong mayroong kasabwat ang mga ito na nanghintay sa target na sasakyan.

Patuloy pa rin daw na humahanap ng mga kuha ng CCTV ang mga pulis upang makatulong sa kaso.

Si Kimberly Sue Yap Chiu, o mas kilala sa kanyang screen name na Kim Chiu, ay isang Chinese-Filipino actress, recording artist, at endorser.

Nakilala ito matapos manalo sa first season ng Pinoy Big Brother:Teen Edition.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pinoy Confessions: Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit nang lapit sa’yo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender. – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel