Babaeng nagbiyahe mula Pilinas, nagpositibo sa COVID-19 nang makarating sa Australia

Babaeng nagbiyahe mula Pilinas, nagpositibo sa COVID-19 nang makarating sa Australia

- Isang babaeng nagbiyahe mula Pilipinas patungong Australia ang nagpositibo sa COVID-19

- Hindi nabanggit ang nasyunalidad ng naturang turista na sumakay umano sa isang Cebu Pacific flight

- Dumating ang babaeng nasa 60 ang edad sa New South Wales NSW sa Australia nitong Martes Marso 3

- Inaalam na rin ng awtoridad kung sino ang mga nakasakay ng babaeng ito upang maobserbahan

- Kasama rin sa aalamin ang travel history ng babae bukod sa huling pinuntahan nito

- Kasalukuyang nasa 95,000 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 ang isang babaeng may edad na nasa 60 na nagbiyahe mula Pilipinas patungong Australia.

Base sa ulat ng Inquirer, kinumpirma ang kaso na ito ng COVID-19 ng gobyerno ng New South Wales (NSW) matapos na dumating ang babae sa kanilang lugar noong Martes, Marso 3.

Nalaman ng KAMI na hindi na muna pinaalam ang nasyunalidad ng babaeng ito.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, lulan ang babae ng Cebu Pacific flight 5J39 at inaalam na ng awtoridad ang mga nakasakay ng pasyenteng ito.

Babaeng nagbiyahe mula Pilinas, nagpositibo sa COVID-19 nang makarating sa Australia

source: CNN
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa huling pinuntahan nitong bansa, inaalam na rin ang iba pang travel details nito upang ma-track na rin ang posibleng napagkunan nito ng virus.

Dagdag pa ng NSW government, tinatayang nasa 43 na ang kaso COVID-19 sa Australia.

Samantala, 95,000 naman ang kumpirmadong kaso ng kinatatakutang virus na ito sa buong mundo.

Karamihan pa rin ng kaso ng COVID-19 ay mula sa Hubei province sa China kung saan pinaniniwalaan na ito ay nagmula.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre!

TikTok Challenge In Public: Come And Dance With Me! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel