Konduktor ng bus, hinangaan sa kabutihang ginawa sa pasaherong kulang ang pamasahe

Konduktor ng bus, hinangaan sa kabutihang ginawa sa pasaherong kulang ang pamasahe

- Viral ang kabutihang ginawa ng isang konduktor ng bus sa isa sa naging pasahero nila

- Isang 15-anyos na babae ang kinulang ng pamasahe at hiniling sa konduktor na tawad na lamang ang kulang

- Nagulat ang pasahero nang ibalik ng pasahero ang pamasahe at siya na raw ang sasagot sa kabuuan nito

- Naisip daw itong gawin ng konduktor nang malamang may kailangan pang sakyan ang babae bukod sa bus

- Humanga ang isa pang pasahero sa bus na Ceres nang masaksihan ang kabutihan ng konduktor kaya naman binahagi niya ang larawan ng konduktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang humanga sa konduktor ng Ceres na nagpakita ng kabutihan sa isa sa mga pasahero nilang kinapos sa pamasahe.

Binahagi ng netizen na si Elmaj Jabay ang kanyang nasaksihan sa bus na tunay na nakaka-inspire.

Kwento ni ELmaj, kinulang ng pamasahe ang isang 15-anyos na babae. Pinakiusapan niya ang konduktor na 'tawad' na lamang ang kulang.

Laking gulat ng babae nang isinauli ng konduktor ang pera sa kanya.

Imbis na pababain, tinanong muna niya ang babae kung saan patungo. Nang mapag-alamang may kailangan pa itong sakyan mula sa bus, minabuti na niyang sagutin ang pasahe ng 15-anyos sa bus.

Dahil dito, di nagdalawang isip ang netizen na i-share ang larawan ng konduktor na di niya nakuha ang pangalan.

Sadyang nakaka-inspire daw ang ginawa na ito ng konduktor na nararapat lamang na tularan ng marami.

Binigyang puri rin ni Elmaj ang bus company na Ceres sa pagkakaroon ng mapagmalasakit na konduktor.

Tila maganda raw ang training ng naturang kompanya sa kanilang mga empleyado

Umabot na sa 130k ang positibong mga reaksyon ng post.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre!

TikTok Challenge In Public: Come And Dance With Me! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel