Bride na naka-wheelchair, naging emosyonal dahil sa kanyang kakaibang wedding gown

Bride na naka-wheelchair, naging emosyonal dahil sa kanyang kakaibang wedding gown

- Tampok sa social media ngayon ang wedding gown ng isang person-with-disability (PWD) bride

- Kwento ng bride, pinangarap niya talaga noon ang makapaglakad papunta sa altar kapag ikakasal siya

- Naging problema rin niya ang wedding gown na susuotin niya dahil kailangan niyang mag-wheelchair

- Kaya naman, labis ang tuwa niya nang makita ang gown na ginawa lang para sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News

Ibinahagi ng isang bride ang kanyang naging karanasan nang ikasal habang naka-wheelchair.

Nalaman ng KAMI na ang bride ay tila naging emosyonal dahil sa wedding gown na ginawa para sa kanya.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Lyza Queen Escala, pinangarap niyang makapaglakad papunta sa altar sa mismong araw ng kasal niya. Subalit, hindi ito naging madali para sa kanya dahil kailangan niya ang wheelchair niya.

“Ever since our wedding preparation started, my biggest concern was my wedding gown,” sabi niya sa post.

“Sobrang nalulungkot ako kasi gustong gusto ko mag lakad kahit mismong araw ng kasal (milagro kung mangyari yun Haha). I hated the fact that I have no choice but to be in a wheelchair,” dagdag niya pa.

Kaya naman, sobra na lang ang kanyang gulat at tuwa nang gawing possible ng wedding gown designer ang pinapangarap niyang gown na kasya maging ang wheelchair niya.

“SHE MADE IT ALL BEAUTIFUL AND MADE ME FELL IN LOVE WITH IT,” aniya.

“It made me realize that I should love and accept the person I am now,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, maging ang mga netizens din ay natuwa sa kinalabasan ng wedding gown ng PWD bride. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“Congrats beautiful!”
“You really look stunning to your wedding gown dear!”
“Napakaganda nyo po at ng gown nyo. congrats and best wishes!”
“Sobrang ganda anak bagay na bagay sa iyo ang wedding gown mo...muwahhh”

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Celebrity Tricky Questions: In this video, we asked random people to guess the celebrities by their eyes only. Let us see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel