Ayaw pahuli! Dating presidential spokesperson Harry Roque, "TikToker" na rin

Ayaw pahuli! Dating presidential spokesperson Harry Roque, "TikToker" na rin

- Binahagi ni dating presidential spokesperson ang kanyang kauna-unahang TikTok video

- Mapapansing tuwang-tuwa ang first-timer ng TikTok sa kanyang 10 segundong video

- Nai-post din niya ito sa kanyang Twitter account kung saan mas maraming netizens ang nakapanood

- Mabilis na nag-viral ang kanyang video dahil di raw nila inaasahan na maging si Harry Roque ay magiging "TikToker" na rin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang gumawa ng ingay ang dating presidential spokesperson na si Harry Roque nang pasukin na rin niya ang mundo ng TikTok.

Sa kanyang Tweet ngayong Marso 4, proud siyang binahagi ang kauna-unahan niyang TikTok video.

May caption ito na "My first til tok video" at nasabayan naman niya ang background music ng kanyang video na "The Weekend" ni SZA’s x Calvin Harris.

Kapansin-pansing na-enjoy talaga ni Roque ang pag-TikTok dahil nakuha pa niyang mag-heart finger sign sa huli ng video.

Samantala, mabilis na nag-viral ang kanyang pinakaunang TikTok video dahil di raw akalain ng mga nakapanood na maging siya ay di pahuhuli sa paggawa ng videos sa sikat na app na ito.

Bukod pa rito, hinikayat pa niya ang publiko na i-follow ang kanyang TikTok account na @harryroque3.

Kaya naman asahan nating masusundan pa ang makulit na video na ito ni Roque na nakapagpasaya rin sa madla.

Narito ang kabuuan ng video:

Maging sa kanyang Facebook page at naibahagi niya rin ito:

Bukod sa pagiging isang batikang abogado ng bansa, mas naging matunog ang pangalan ni Roque nang maging presidential spokesperson siya ni Pangulong Rodrigo Duterte noong November 6, 2017.

Isa rin siya sa mga abogadong humawak ng kaso ng mga Ampatuan noong 2009 at ang Jennifer Laude case.

Naging bahagi rin siya ng House of Representatives sa 17th Congress of the Philippines mula June 30, 2016 hanggang November 6, 2017.

Matatandaang minsan na rin siyang tumakbo sa pagiging senador sa 2019 senatorial elctions ngunit nag-withdraw siya ng candidacy dahil sa kalagayan di umano ng kanyang kalusugan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Eyes are the windows to the soul of a person. Let us see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Celebrity By Their Eyes | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel