Babaeng nagmalasakit na pakyawin ang paninda ng isang lolo, umani ng papuri online

Babaeng nagmalasakit na pakyawin ang paninda ng isang lolo, umani ng papuri online

- Viral ang video ng isang babaeng pinakyaw na lamang ang paninda ng isang lolo upang ito'y maaga nang makauwi at makapagpahinga

- Nagtitinda ng mais at nilabong saging ang matanda at bakas na ang pagod dala ng kanyang edad

- Binili ng babae ang lahat ng paninda ng lolo at binigyan niya ito ng labis-labis na halaga ng pera bilang tulong na rin dito

- Hinangaan naman ng mga netizens ang bukas-palad na babae sa pagtulong nito sa matanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig ang puso sa ginawang pagtulong ng isang babae sa lolo na naglalako ng mais at nilabong saging sa gilid ng kalsada.

Binahagi ng netizen na si Jolina Pantila Serit ang nakaka-inspire na larawan at video ng babaeng binili lahat ang paninda ng lolo.

Ayon kay Joline, sobrang bumilib lang siya sa babae sa pagtulong nito sa matanda upang maaga na itong makauwi at makapagpahinga.

Mapapansin din sa video na sobra-sobra ang halagang binigay ng babae bilang kabayaran sa mga pinamili.

Tulong na niya raw ito sa lolo para naman may sobra pa siya sa kanyang dapat na kitain sa araw na iyon.

Dahil dito, umani ng papuri ang babae at mister nito na di nagdalawang isip na tumulong sa taong naghihikahos sa buhay tulad ng lolo.

Ayon pa sa mga netizens, di raw nakapagtatakang umaapaw ang biyaya sa mag-asawa dahil sa kabutihang pinararamdam nila sa kanilang kapwa.

Hangad din ng netizens na matulungan pa ang matanda dahil tila hirap na rin ito kahit pa sa pag-upo lamang habang nagtitinda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan pa sa mga komento ng netizens:

"Sobrang bait po ni ate gabayan po kayo lagi ni god at si tatay din po"
"Sana dumami katulad mo"
"Sana po madami pa po kau matulungang Tao pag palain po kayo Ng panginoon"
"Ito ang dapat tularan lalo na ng mga kabataan ngayon, magandang ehemplo si ate sa lahat"
"Very good po ate, dahil diyan, aapaw pa ulet ang blessing mo!"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Eyes are the windows to the soul of a person. Let us see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Celebrity By Their Eyes | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel