Dalaga, ipinagmalaki ang prom gown na ginawa ng kanyang lola sa halagang P120

Dalaga, ipinagmalaki ang prom gown na ginawa ng kanyang lola sa halagang P120

- Ipinagmalaki ng isang dalaga sa Masbate City ang kanyang gown para sa JS Prom na ginawa mismo ng kanyang lola

- Ayon sa dalaga, mano-manong tinahi ng kanyang lola ang gown, ilang oras bago ang nasabing event

- At ang kanyang nagastos ay nagkakahalaga lamang ng P120

- Hindi rin daw nito inaasahan na magva-viral ang kanyang post dahil ang nais lang niyang ipagmalaki ang ginawa ng kanyang lola

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinagmalaki ng isang dalaga sa Masbate City ang kanyang gown para sa JS Prom na ginawa mismo ng kanyang lola.

Ayon kay Arianne Marie Contreras, mano-manong tinahi ng kanyang lola ang gown, ilang oras bago ang nasabing event, dahil sira ang kanilang sewing machine.

At ang kanyang nagastos ay nagkakahalaga lamang ng P120.

Sa post ng Philippine Star at ng Cebu Daily News, sinabing dating mananahi si lola Jovita Ortega Baldeo.

“Since the machine was broken, she asked me to buy the zippers and threads because she had no money. She had no income. Sewing is her source of income. We had no choice but to hand sew it. She made me help in some little details until we finished it,” ayon sa grade 10 student.

Nagpapasalamat si Contreras sa kanyang lola na siyang nagpalaki sa kanya.

Tinulungan din daw siya ni lola Jovita sa kanyang hair and makeup.

Hindi raw nito inaasahan na magva-viral ang kanyang post dahil ang nais lang niyang ipagmalaki ang ginawa ng kanyang lola sa kanyang mga kaibigan.

Hindi naman nabigo ang dalaga dahil hindi lang mga kaibigan niya ang humanga sa kanyang lola.

Libo-libong netizens ang pumuri kay lola Jovita dahil sa napakaganda nitong gawa at sa pagmamahal nito sa apo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang report ng KAMI, isa namang designer ang gumawa ng libreng gown para sa isang estudyante na nakiusap sa kanya na magpa-reserve ng gown sa halagang P30.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pinoy Confessions: Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit nang lapit sa’yo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender. – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel