Kim Chiu, dumiretso pa rin sa taping matapos ang insidente ng pamamaril sa kanyang van

Kim Chiu, dumiretso pa rin sa taping matapos ang insidente ng pamamaril sa kanyang van

- Pinagbabaril ang sinasakyang van ng Kapamilya actress na si Kim Chiu

- Inakala pa ng driver maging sina Kim at dalawa pang kasama nito na di sila ang puntirya ng dalawang di pa nakikilalang gunmen

- Ligtas naman ang aktres ayon sa kanyang driver at dumiretso pa raw ito sa pupuntahang taping

- Samantala, makikita sa mga larawang binahagi ng ABS-CBN ang ilang tama ng bala sa sasakyan ng aktres

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinagbabaril sa di pa malamang dahilan ang sinasakyang van ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ngayong umaga, Marso 4.

Ayon sa GMA News, patungo ang aktres sa kanyang taping kasama ang assistant nito nang pagbabarilin ang kanilang sasakyan ng dalawang di pa nakikilalang mga lalaki.

Nalaman ng KAMI na sakay sa motor ang mga gunmen at inakala pa umano ng driver ni Kim Chiu na ang katabi nilang SUV ang puntirya ng mga ito.

Laking gulat nila nang mapansing sila pala ang pinauulanan ng bala bandang Katipunan at CP Garcia Avenues sa Diliman, Quezon City.

Kinumpirma ng driver ni Kim na si Wilfredo Taperla na ligtas ang aktres at dumiretso parin sa taping ng 'Love thy Woman' kasama ang kanyang assistant.

Makikita sa larawang binahagi ng Twitter page ng ABS-CBN ang sasakyan ni Kim na tadtad ng tama ng bala.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kim Chiu ay isa sa mga kilalang aktres ng ABS-CBN. Produkto siya ng PBB Teens kung saan siya tinanghal na grand winner.

Bukod sa mga pelikula at teleserye, sumasabak din siya sa hosting at bahagi din siya ng ASAP natin to'.

Kasalukuyang bahagi ang aktres ng teleseryeng 'Love thy Woman.'

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Eyes are the windows to the soul of a person. Let us see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Celebrity By Their Eyes | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel