Sasakyan ni Kim Chiu, pinagbabaril sa Quezon City; aktres at mga kasama, ligtas

Sasakyan ni Kim Chiu, pinagbabaril sa Quezon City; aktres at mga kasama, ligtas

- Pinagbabaril ng dalawang 'di pa nakikilalang suspek ang van ni Kim Chiu

- Ayon sa mga ulat, papunta sa taping ng kanyang teleserye si Chiu nang maganap ang insidente ngayong umaga ng Miyerkoles

- Ligtas naman ang aktres at ang dalawa nitong kasama sa van

- Nangyari ang pamamaril sa kanto ng Katipunan at C.P. Garcia Avenue sa Quezon City

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinagbabaril ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki ang van na lulan mismo ang Kapamilya actress na si Kim Chiu ngayong umaga ng Miyerkoles.

Nangyari ang pamamaril sa kanto ng Katipunan at C.P. Garcia Avenue sa Quezon City.

Ayon sa ulat ng GMA News at ABS-CBN News, ligtas naman ang aktres at ang dalawa nitong kasama kabilang na ang driver nitong si Wilfredo Taperla na siyang nagbigay ng pahayag ukol sa nangyari.

Base sa mga reports, sakay ng isang motorsiklo ang dalawang suspek.

Papunta raw sa taping ng teleseryeng kinabibilangan si Chiu nang mangyari ang insidente.

Batay sa ulat, dumiretso pa rin sa taping ang aktres.

Nagdulot naman ng matinding traffic ang nangyari.

"FLASH REPORT: Van ni Kim Chiu, pinagbabaril sa kanto ng Katipunan Avenue at C.P. Garcia Avenue sa Quezon City. Ayon sa kanyang driver, ligtas naman ang Kapamilya actress at dumiretso kaagad sa taping," ayon sa ulat ng DZBB Super Radyo (Reporter, Allan Gatus).

Si Kimberly Sue Yap Chiu, o mas kilala sa kanyang screen name na Kim Chiu, ay isang Chinese-Filipino actress, recording artist, at endorser.

Nakilala ito matapos manalo sa first season ng Pinoy Big Brother Teen Edition.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pinoy Confessions: Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit nang lapit sa’yo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender. – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel