Viral na mag-lola sa LRT, nais matulungan ng mga nagmamalasakit na netizens

Viral na mag-lola sa LRT, nais matulungan ng mga nagmamalasakit na netizens

- Pumukaw sa puso ng mga netizens ang larawan ng mag-lola na sumakay sa LRT

- Kapansin-pansin kasi ang kalagayan ng apo nitong nakabalot halos ang buong katawan ng benda

- Bakas sa mukha ng lola ang hirap ng kanilang kalagayan at talagang kinailangan pa rin nilang sumakay ng LRT sa kabila ng sitwasyon ng kanyang apo

- Walang ibang hangad ang netizens kundi ang matulungan ang mag-lola lalo na ang apo na tila may malubhang karamdaman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nadurog daw ang puso ng mga netizens nang makita ang larawan ng mag-lolagn sakay ng LRT.

Binahagi ng netizen na si Zyra Nagisaram ang larawan ng lola at apo nitong kanyang inaalalayan dahil tila may malubha itong karamdaman.

Agaw-pansin talaga ang dalawa lalo pa at balot na balot ang apo nito ng benda sa buong katawan niya maging sa ulo.

Kwento ni Zyra, magkahalong awa at paghanga ang naramdaman niya sa mag-lola na kinailangan pa ring magbiyahe sakay ng LRT sa kabila ng kondisyon ng apo.

Bakas sa mukha ng matanda na hirap ito sa kanilang kalagayan ngunit kita naman ang pag-aaruga niya sa pag-aalaga sa kanyang apo.

Kahit na balot ng benda ang katawan, mapapansing malinis naman ito maging ang wheelchair na inuupuan ng bata.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nais ni Zyra na matulungan ang mag-lola. Di man nila kasi sabihin ay mababakas na kailangan nila ng anumang uri ng suporta mula sa iba.

Hiniling din ni Zyra na sinuman daw ang makakita sa mag-lola ay kusa nang magbigay ng anumang tulong.

Maging ang mga netizens ay nais na mahanap ang kinaroroonan ng mag-lola na ang tanging impormasyong nakuha lamang ni Zyra ay bumaba raw ang mga ito sa Dorotea Jose station.

Hangad din daw ng mga netizens ang kalakasan ng lola na tanging sinasandalan ng apo na may matinding pinagdaraanan sa kanyang karamdaman.

Naibahagi na ng halos 7,000 na beses ang post na naghahangad na mahanap ang mag-lola upang matulungan di sila ng kinauukulan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Eyes are the soul of a person. Let us see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Celebrity By Their Eyes | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel