NCRPO chief at Mayor ng San Juan, nagsalita na ukol sa Greenhills hostage-taking

NCRPO chief at Mayor ng San Juan, nagsalita na ukol sa Greenhills hostage-taking

- Inilahad nina Mayor Francis Zamora at NCRPO Chief Debold Sinas ang mga naging kaganapan sa hostage-taking incident sa Greenhills San Juan noong Marso 2

- Halos inisa-inisa nila ang bawat pangyayaring naganap partikular na sa pakikipag-negosasyon nila sa hostage-taker na si Alchie Paray

- Siniguro nilang magiging ligtas ang mga hostages na tinatayang nasa 30 katao

- Ibinunyag pa ni Police Major General Sinas na may limang snipers na nakaabang kay Paray sakaling bumunot ito ng baril o may gawing ikapapahamak ng iba pang tao

- Mahaharap sa patong patong na kaso si Paray na nasa kamay na ng awtoridad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsagawa ng press briefing sa pangunguna nina NCRPO chief Debold Sinas at Mayor Francis Zamora ng San Juan patungkol sa insidente ng hostage-taking na naganap noong Marso 2 sa Virra Mall o V-Mall sa Greenhills.

Binahagi ng Facebook page na San Juan City Philippines ang video kung saan inilahad ng dalawa ang mga importanteng detalye ng masasabi pa ring matagumpay na operasyon sa pagpapalaya ng hostages gayundin ng hostage-taker na nakilalang si Alchie Paray.

Sa naunang ulat ng KAMI, ipinakita ang video kung paano nadakip ng awtoridad ang noo'y nagsasalita sa harap ng media na si Paray.

Nilinaw ng NCRPO chief ang naging hakbang nila ukol dito. May ilan kasing nagtaka kung bakit hinayaan pang magsalita si Paray gayung nakapalibot na sa kanya ang mga pulis na maaring humuli sa kanya.

Ayon kay Police Major General Sinas, ginawa nila ito bilang pagtupad sa sinabi ni Mayor Zamora kay Paray na papayagan niya itong maglabas ng saloobin sa harap ng media.

Ang di raw alam ng publiko, limang snipers ang naambang kay Paray sakaling may gawin itong ikapapahamak ng lahat.

Armado pa ang hostage-taker ng baril sa kanang baywang nito at taktika niya na hawakan noon ang mikropono sa kaliwa.

Kaya naman nang ilipat na niya ito sa kanan at kinausap ang lalaking katabi lamang niya, doon inatake na siya ng awtoridad na nagsilbing hudyat ng kanyang pagkakaaresto.

Mahaharap sa patong-patong na kaso si Paray kabilang na rito ang illegal possession of firearms and explosives, hostage-taking at frustrated murder dahil sa pagkakabaril niya sa isang security officer.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa Philippine Star, sama ng loob sa security agency na sumibak kay Paray ang naging ugat ng pangho-hostage nito.

Samantala, laking pasalamat pa rin ni Mayor Zamora na ligtas ang 30 hostages na maayos din daw na pinakitunguhan ni Paray.

Katunayan, humingi pa raw ito ng tubig at pagkain sa mga ito.

Ngunit bilang hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng mga tao ng San Juan partikular na ang mga empleyado ng V-mall kung saan naganap ang insidente, makikialam na raw ang alkalde sa pagtatalaga ng mga security guards sa naturang lugar.

Kasalukuyan nang nasa kamay ng awtoridad si Paray na nabigyan naman ng pagkakataong makita at makausap ang buntis na asawang nagmula pa sa Pampanga.

Narito ang kabuuan ng video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Eyes are the windows to the soul of a person. Let us see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Celebrity By Their Eyes | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel