Sekyu na nang-hostage, tinanggihan ang P1M kapalit ng "presscon"

Sekyu na nang-hostage, tinanggihan ang P1M kapalit ng "presscon"

- Hindi pera ang kailangan ng security guard na nang-hostage sa San Juan noong Lunes at iginiit na marinig ang kanyang mga hinaing

- Ayon kay Mayor Francis Zamora, tinanggihan nito ang P1M na inalok dito ng may-ari ng agency na pinagta-trabahuhan nito

- Kapalit ng pagpapalaya nito sa mga hostages ay pinayagan itong humarap at magsalita sa harap ng media

- Sa kanyang press conference na tumagal ng 20 minutos, sinabi nito ang lahat ng kanyang sama ng loob at may mga alegasyon din laban sa mga "nakatataas" na opisyal nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pera ang kailangan ng security guard na si Alchie Paray na nang-hostage ng ilang katao sa loob ng admin office ng isang mall sa San Juan noong Lunes, na una nang naiulat ng KAMI.

Sa ulat ng Inquirer sa panulat ni Daphne Galvez, sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na tinanggihan ni Paray ang alok na P1 million ng may-ari ng agency na pinagta-trabahuhan nito.

At sa halip ay hiniling na makapagsalita ito sa harap ng media.

“‘Yung security agency was offering P1 million pero hindi niya tinanggap kasi hindi pera ang kailangan niya eh,” ayon kay Mayor Zamora.

“Ang kailangan niya marinig lang yung hinaing. Napakasimple. Kaya bnigay natin," dagdag pa ng alkalde.

Pero paglilinaw ng mga awtoridad, pinagbigyan nila ang press conference ni Paray upang masiguro na ligtas ang lahat at walang masaktan.

Sa press conference ni Paray na tumagal ng 20 minutos, sinabi nito ang lahat ng kanyang sama ng loob at may mga alegasyon din laban sa mga "nakatataas" na opisyal nito.

Batay sa isang ulat ng Manila Bulletin, sa panulat ni Aaron Recuenco, nag-ugat umano ang pang-ho-hostage ni Paray sa pang-aabuso at "palakasan".

Ilang kasamahan din nito ang nagpatunay sa mga sinabi ni Paray.

“Wala kaming reklamo sa agency namin, wala rin kaming reklamo sa sahod kasi patas naman. Ang sa amin lang dito ay yung due process.

"Dapat kapag paparusahan kami, ipakita sa amin kung bakit at ipakita sa amin na dumaan kami sa tamang proseso hindi yung basta-basta na lang kami paparusahan na hindi namin alam ang dahilan," ayon sa isang kasamahan ni Paray na tumanggi nang magpakilala.

“Nauunawaan namin siya [Paray]. Matagal na siya dito at marami na rin siyang nakitang pang-aabuso, siya mismo nabiktima."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pinoy Confessions: Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit nang lapit sa’yo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender. – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel