Mga binitawang salita ng hostage-taker sa Greenhills, usap-usapan online

Mga binitawang salita ng hostage-taker sa Greenhills, usap-usapan online

- Viral ang mga linyang binitawan ng hostage-taker na nakilalang si Alchie Paray

- Bagaman at alam ng lahat na mali ang ginawa nitong pangho-hostage, may ilang tila natauhan sa kanyang mga binitawang mga salita

- Ang ilan ang mga netizens ay aminadong nadurog ang puso dahil tila nagsasabi ng pawang katotohanan ang suspek sa kanyang naging mga pahayag nang mapalaya na niya ang kanyang mga hostage

- Nasa kamay na ng awtoridad ang dating sekyu na alam ang kanyang kahihinatnang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gumimbal sa Greenhills San Juan ang hostage drama na naganap sa Virra Mall kahapon, Marso 2 kung saan dating sekyu ng gusali ang nagsagawa nito.

Umani ng iba't ibang reaksyon ang isinagawang hostage-taking na ito dahil sa mga binitawang mga salita ng hostage-taker na si Alchie Paray.

Bagaman at may tinamaan ito nang magpaputok siya ng baril habang isinasagawa ang insidente, sinabi naman ng ilang mga na-hostage nito na mahinahon naman silang kinakausap ni Alchie.

Matapos ang mahigit siyam na oras na kaganapang ito, maayos na pinalaya ni Alchie ang nasa 30 na kataong pawang mga empleyado ng mall.

Nang makalabas ng gusali, tinupad ni San Juan Mayor Francis Zamora ang hiling ni Alchie na makapanayam ang media at makapagpahayag siya ng kanyang hinaing.

Binigyan pa ng mikropono si Alchie na di rin pinosasan habang ito'y nagsasalita sa harap ng mga taong naroon lalo na sa media.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Binahagi ng netizen na si Sef Tolentino ang mga larawan ni Aaron Fabila ng Wow Story kung saan nilahad niya ang mahahalagang linyang binitawan ni Alchie.

Talagang naging usap-usapan ito online at umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens.

Bagaman at di tama ang isinagawa niyang hostage-taking, may ilang netizens na tila nagawa pa siyang hangaan sa katapangan daw na pinakita nito sa pagsisiwalat ng di umano'y panghahamak na nararanasan ng isang security guard na tulad niya.

Narito ang ilan sa mga linyang pumukaw sa puso ng mga netizens:

Nalaman ng KAMI na ang pagkakasibak sa serbisyo bilang security guard ang naging ugat ng pagsasagawa ni Alchie ng hostage-taking sa dati niyang trabaho.

Matapos ang nasa 20 minuto na pagsasalita ni Alchie sa media, sinunggaban na siya ng awtoridad na naging hudyat na ng kanyang pagkakadakip.

Binigyang linaw naman ng CNN Philippines na hindi Archie, kundi Alchie pala ang pangalan ng hostage-taker na kasalukuyan nang nasa kamay ng mga awtoridad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Eyes are the windows to the soul of a person. Let us see if you can recognize your favorite Pinoy star by looking at his/her eyes.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Celebrity By Their Eyes | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel