98 anyos na lola, gumaling na matapos magkaroon ng coronavirus

98 anyos na lola, gumaling na matapos magkaroon ng coronavirus

- Isang 98-anyos na lola ang gumaling sa Corona Virus Disease (COVID-19) matapos niyang magkasakit noong nakaraang buwan

- Ayon sa mga ulat, si lola na ang pinakamatandang nagkaroon ng coronavirus at gumaling din sa sakit na ito

- Kasama niya ang kanyang anak nang pumunta sila sa ospital noon dahil parehas silang nagkaroon ng coronavirus

- Nakalabas na ang 98 anyos na lola mula sa Leishenshan Hospital sa Wuhan, China

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang 98-anyos na lola sa Wuhan, China, ang nakalabas na ng ospital nang gumaling matapos magkaroon ng Corona Virus Disease (COVID-19).

Nalaman ng KAMI na si lola na ang pinakamatandang nagkaroon ng coronavirus at gumaling mula sa sakit na ito.

Ayon sa ulat ng The New York Post, nagkaroon ng lagnat si lola noong nakaraang buwan at siya ay dinala sa Leishenshan Hospital kasama ang 55 anyos niyang anak na may coronavirus din upang magpagamot doon.

Matapos ang pag-inom ng mga anti-viral na gamot at iba pa ay gumaling naman na si lola at pinalabas na siya ng ospital.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa ulat ng Xinhua News Agency, nitong nakaraang Linggo ay nasa 200 na pasyente na ang pinalabas ng ospital matapos nilang gumaling.

Samantala, sa ulat naman ng South China Morning Post (isinulat ni Echo Xie), sinabi ng eksperto na posible pa ring makahawa ng ibang tao ang mga pasyente na kagagaling pa lang sa coronavirus.

Kaya naman pakiusap nila, mag-self quarantine ang mga ito sa kanilang bahay sa loob ng 14 na araw.

Ang Corona Virus Disease ay nagsimula sa Wuhan, China. Nasa lagpas 3,000 na ang mga namatay dahil dito sa China at nasa 88,000 naman ang mga may sakit nito sa buong mundo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Celebrity Tricky Questions: In this video, we asked random people to guess the celebrities by their eyes only. Let us see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes on KAMI HumanMeter Youtube Channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel