Nagreklamong bodyguard ni Sarah Geronimo, nakipag-areglo na

Nagreklamong bodyguard ni Sarah Geronimo, nakipag-areglo na

- Nakipag-areglo na ang nagreklamong bodyguard ni Sarah Geronimo na si Jerry Tamara

- Ayon sa programa ni Raffy Tulfo, tinanggap ni Tamara ang P200K bilang danyos mula sa VIVA

- Mismong si idol Raffy pa ang sumama kay Tamara nang humarap ito sa boss ng VIVA na si Vic Del Rosario

- Si Tamara ang bodyguard ni Geronimo na sinuntok di umano ng mister ng aktor na si Matteo Guidicelli

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakipag-areglo na ang nagreklamong bodyguard ni Sarah Geronimo na si Jerry Tamara matapos itong makipag-usap sa boss ng VIVA na si Vic Del Rosario.

Hiniling pa nito na personal siyang samahan ni Raffy Tulfo dahil mas kampante raw ito na kasama si Tulfo sa pagharap sa mga bigating taong involve.

Ayon sa programa ni Tulfo, nakatakda sanang makipag-usap ang mag-asawang Matteo at Sarah Guidicelli sa opisina ng VIVA ngunit hindi nakapunta dahil sa schedule ng mga ito.

Kaya naman si Del Rosario na lamang ang humarap kay Tamara. Ayon sa VIVA boss, humiling si Tamara ng P1.5 million bilang danyos sa panununtok diumano ni Guidicelli sa kanya.

Gagamitin daw ito ni Tamara bilang panimula matapos ang eskandalong kinasangkutan.

Ngunit P100,000 lang ang in-offer dito ng VIVA na tinanggihan daw nito.

Nilinaw naman ng programa ni Tulfo na hindi sila nagpapagamit pagdating sa aregluhan na may sangkot na malaking halaga.

Matapos ang paghaharap na ito, nagdesisyon si Tamara na pag-isipan daw muna ang lahat. Sinabi pa nito na mas gugustuhin na lang na makaharap ang mag-asawa at wala nang sangkot na pera.

Nais din daw nito na makipagkamay sa kanya si Matteo at humingi ng tawad sa ginawa nito sa kanya.

Sabi pa ni Tamara, sinabi umano ni Mommy Divine sa kanya na dapat daw na panagutan ni Matteo ang ginawa sa kanya at dumaan sa proseso.

Pero paglilinaw nito, hindi siya diniktahan ni Mommy Divine at kusang-loob na lumantad.

Pagkalipas ng ilang araw, napag-alaman ng programa ni Tulfo na nakipag-areglo na si Tamara at tinanggap na ang P200,000 mula sa VIVA ayon sa isang opisyal nito.

Nagpadala rin ng text message si Tamara para sabihing nakipag-ayos na ito. Natatakot na rin daw kasi ito at ang misis nito.

Nagpasalamat din ito sa tulong ni Raffy Tulfo sa kanya.

Una nang naiulat ng KAMI nang pumunta sa programa ni Raffy Tulfo si Tamara para isiwalat ang nangyaring eskandalo sa kasal ng dalawa.

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

POPULAR: Read more about Sarah Geronimo here!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pinoy Confessions: Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit nang lapit sa’yo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender. – on Humanmeter!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel