Misis ni Kobe Bryant, masama ang loob sa mga "leaked photos" sa crash

Misis ni Kobe Bryant, masama ang loob sa mga "leaked photos" sa crash

- Labis na ikinasama ng loob ng misis ni Kobe Bryant ang pagkalat ng ilang larawan ng chopper crash kung saan nasawi ang NBA legend at walong iba pa

- Ayon sa mga lumabas na report, ilang opisyal diumano mula sa Los Angeles sheriff's department ang sangkot sa pagkalat ng mga larawan

- Sinabi rin sa mga report na iniimbestigahan na ito ng mga awtoridad lalo pa at malinaw na paglabag ito sa batas

- Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Vanessa ang statement ng kanyang abogado ukol sa insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis na ikinasama ng loob ng misis ni Kobe Bryant na si Vanessa ang pagkalat ng ilang larawan ng chopper crash noong January 26, kung saan nasawi ang NBA legend at walong iba pa kabilang ang 13-anyos nilang anak na si Gianna.

Sa ulat ng Los Angeles Times at The Times, ilang opisyal diumano mula sa Los Angeles sheriff's department ang diumano'y sangkot dito.

Ayon sa isa sa mga source na nakausap ng The Times, ang mga naunang rumesponde sa crash umano ang siyang sangkot sa pagkalat ng mga sensitibong larawan.

Pinag-usapan din umano ng mga ito ang bangkay ng mga nasawi. Nakita pa umano ng naturang source ang isang larawan na hindi konektado sa imbestigasyon, sa cellphone ng isang opisyal.

Para sa kaligtasan, hindi na pinangalanan ang source ayon sa The Times.

Sinabi rin sa mga report na iniimbestigahan na ito ng Sheriff’s Department lalo pa at malinaw na paglabag ito sa batas.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Vanessa ang statement ng kanyang abogado ukol sa insidente.

Sinabi rito na personal pang pumunta si Vanessa sa opisina ng Sheriff noong naganap ang crash upang hilingin na gawing "no-fly zone" ang lugar upang makaiwas mula sa mga photographers. Para na rin maprotektahan ang mga nasawi.

Pero ayon sa lumabas na reports, ang mga larawan na kumalat ay mula sa smartphones.

Iniimbestigahan pa rin kung ang mga naunang rumesponde sa crash site ang salarin o kung mayroong ibang source na pinanggalingan ang mga sensitibong larawan.

Si Kobe Bryant ay isang Philadelphia native at 20 taong naging bahagi ng Lakers.

Nagkamit ito ng limang NBA championships at 18 All-Star titles bago ito nag-retiro noong 2016. Siya ang kauna-unahang guard sa NBA history na nakapaglaro sa loob ng 20 seasons.

Patuloy itong nagkamit ng tagumpay at pagkilala hanggang sa mapilitan itong mag-retiro noong 2015-2016 season dahil sa injuries sa tuhod at balikat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pinoy Confessions: Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit nang lapit sa’yo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender. – on Humanmeter!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel