Sandara Park, naiyak dahil gustong mabuo ulit ang grupong 2NE1

Sandara Park, naiyak dahil gustong mabuo ulit ang grupong 2NE1

- Naiyak si Sandara Park at pinapangarap niyang maibalik ang kanyang dating sikat Korean girl group na 2NE1

- Inamin ni Sandara na nawalan na siya ng gana pagkatapos magdisband ng grupo

- "Weak spot" umano ni Sandara ang kanyang grupo at itinuring na niya itong mga totoong kapatid

- Nagkaroon daw sila ng pagkakataong magkita ng dating kasama na si Park Bom

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pagkatapos na mag guest ni Sandara Park sa isang show sa South Korea na "Video Star", emosyonal na ibinahagi ni Sandara Park ang kanyang pangarap na maibalik ang kanyang grupo na 2NE1.

Si Sandara o mas kilalang ang "Pambansang Krung-Krung" ng Pilipinas, ay nagpakita sa isang SBS show na "My Music Teacher Mingalabar" na kung saan kumanta siya sa loob ng isang mall sa Myanmar.

Naging emosyonal si Sandara habang nilalahad ang tungkol sa kanyang mga kasama sa 2NE1 na naging parang mga totoong kapatid na raw nito at sinabi ang mga dating kasama ang kaniyang “weak spot”.

Sabi rin niya na “I don’t even cry when I take 1st place. My fellow members are my biggest weak spot.”

Ibinahagi rin niya na bago siya pumunta sa Myanmar ay nakita niya si Park Bom, isa sa kanyang kasama sa 2NE1, at dahil doon ay naalala niya ang mga masasayang alaala noon.

“I saw Park Bom the night before I came here. When I told her I was going to Myanmar, Park Bom said: ‘Back in the day, there was no waiting room, so the wall fell just by tapping on it, remember?" Myanmar is a precious place because we even remember things like that," kwento ni Sandara.

Inamin din ni Sandara na nawalan siya ng motivation pagkatapos ma-disband ang grupo nito at magkahiwa-hiwalay sila ng landas ng mga dating ka-grupo.

Sa huling ulat ng KAMI, napabalitang ka-relasyon ni Sandara si Kwon Jiyong na kilala sa pangalang G Dragon na isang South Korean rapper, songwriter, producer, fashion icon, at entrepreneur.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nabuo ang 2NE1 noong 2009 at ginawa ang mga magagandang hit songs kagaya ng “2NE1” at “COME BACK HOME” hanggang sa kanilang paghihiwalay noong 2016.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Check out our newest Tricky Questions challenge and find out for yourself if you can guess an artist by just looking at the photos of their eyes. Watch it on our YouTube channel. — HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel