Hostage-taking sa Greenhills, natapos sa loob ng mahigit siyam na oras

Hostage-taking sa Greenhills, natapos sa loob ng mahigit siyam na oras

- Tanghali nang magsimula ang hostage-taking sa ilang empleyado ng V-mall sa Greenhills San Juan at natapos ito bandang alas-otso ng gabi

- Nakilala ang suspek na si Archie Paray, isang dating guwardiya na nasibak na sa naturang mall

- May tinamaan pa ito na kapwa niya guwardiya nang magpaputok ito ng baril at agad namang nadala sa pagamutan

- Nang palayain niya ang nasa 30 na hostages, kasama rin siya ng mga ito at pinayagan din siyang maglabas ng saloobin sa harap ng media

- Matapos ang nasa 20 minuto niyang pagsasalita, isang lalaki ang umatake sa kanya sa likod habang nakikipag-usap siya sa sa isa pang lalaki at ito na ang naging hudyat ng kanyang pagkakaaresto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang tinatayang nasa siyam na oras na hostage drama sa Greenhills San Juan, pinalaya na rin ang nasa 30 na mga empleyado ng mall kasama ang mismong hostage-taker nila na si Archie Paray.

Ayon sa Rappler, sinibak na guwadiya ng mall ang 32-anyos na hostage-taker na tila dinamdam nang husto ang pagkakalis sa trabaho.

Nalaman ng KAMI na buong hapon ang pakikipagnegosasyon kay Paray kasama na ang pakikipag-usap ng alkalde ng lungsod na si Francis Zamora gayundin ang ilang miyembro ng media.

Nakumbinsi nilang ipaiwan kay Paray ang baril na ginamit nito para paputukan ang isa ring kapwa niya guwardiya.

Agad itong nadala sa ospital at "stable" na raw ang kalagayan nito.

Iniwan din sa ikalawang palapag ng mall ang mga granada na dala ni Paray sa eksena.

Base sa ulat ng Philippine Star, 'absent without leave ' ang dahilan kaya raw sinibak sa pwesto si Paray. Tila di niya ito matanggap at upang mapansin siya ng kinauukulan, nagawa niyang mang-hostage.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nilinaw naman ni Oscar Hernandez, general manager ng security company na nag-hire kay Paray, di naman daw ito sinibak kundi malilipat lamang ng destino.

Nang mapalaya ang mga empleyado, pinagbigyan muli si Paray na makipag-usap sa media upang mailabas daw nito ang kanyang hinaing.

Matapos ang nasa 20 minuto isang sibilyan ang umatake na sa likod ni Paray habang kinakausap nito ang lalaking nasa harap niya.

Ito na ang naging hudyat upang maaresto ang suspek.

Narito ang video ng pagkakadakip kay Paray na binahagi ng CNN Philippines:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Eyes are the soul of a person. Let us see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Celebrity By Their Eyes | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel