Alex Diaz, nilinaw ang totoong relasyon nila ni Tony Labrusca

Alex Diaz, nilinaw ang totoong relasyon nila ni Tony Labrusca

- Nilinaw ni Alex Diaz ang katotohanan sa likod ng pagkakaibigan nila ni Tony Labrusca

- Matagal na umanong magkaibigan ang dalawa dahil magkasama silang nag-training noon sa Cebu

- Magkasabay sila sa eroplano pauwi ng Pilipinas dahil sa may lay-over ang flight nito sa Vancouver kung saan nakatira si Tony

- Marami umanong nagalit sa kinasangkutang gulo noon ni Tony sa NAIA at bingyang kulay ang kanilang pagkakasabay sa eroplano at binigyan umano ng malisya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang mahigit isang taong pananahimik, nagsalita na si Alex Diaz tungkol sa totoong kwento sa likod ng napabalitang relasyon umano nina Tony Labrusca.

Matatandaang pagkatapos ng isyu ng pakikipagtalo ni Tony sa airport sa isang immigration officer noong January 2019, rumesbak si Alex at pinagtanggol si Tony na kasama sa parehong flight pauwi ng Pinas.

Sabi ni Alex sa ulat ng push.com, “Oh my God, atleast maka-clarify ko na, it’s so funny kasi bago pa yung airport incident, isang taon na kami nag-o-obsatacle course training magkasama, so sobra daming pictures noon.”

Dahil sa mga larawang sinasabi ni Alex na kasama si Tony, andaming netizen ang nagbigay ng kanilang haka-haka o spekulasyon sa tunay nilang relasyon.

Paliwanag ni Alex na matagal na silang magkasama sa obstacle training sa Cebu at doon sila naging malapit na kaibigan. At dahil pareho silang taga-Canada, nagkita sila sa Vancouver kung saan si Tony nakatira.

May lay-over umano sa Vancouver ang flight ni Alex at doon sila nagkita at inaya umano niya itong mag-bungee jumping sila bago umuwi ng Maynila sakay sa iisang eroplano.

Matatandaang sa twitter ipinagtanggol ni Alex si Tony na ibinahagi ang kanilang bungee jumping escapade bago umuwi ng Pinas.

“I was also at the immigration and saw the whole thing go down. So trust me when I say kudos to you homie for rising above it.”, tweet ni Alex.

Ayon din kay Alex na hindi lang si Tony ang may pagkakamali noong panahong yun, ngunit si Tony lang ang idiniin ng mga kinauukulan at ng mga netizen na nakisakay umano sa isyu.

Hindi rin daw nakatulong ang mga netizen na gumagawa ng mga kwento tungkol sa kanilang pagkakaibigan. Madami raw kumagat sa tsismis na sila ay may relasyon ni Tony.

“I think dahil sa nangyaring incident sa kanya, maraming immigration officer ang na-offend So may gumawa ng anonymous accounts na walang profile picture, kaya super stressed ako,” kwento ni Alex.

Dagdag pa ni Alex kaya naman niya dinepensahan si Tony kahit na alam niyang madadamay siya dahil sa unfair ang issue na kinasangkutan nito.

“I’m never going to be silent when one of my friends is being persecuted. Even if it means I will be persecuted as well.”, paliwanag ni Alex.

Pagkatapos naman ng insidente, nag-public apology si Tony na ibinahagi niya sa kanyang twitter account at sinabing: “I’m sorry that somehow I took my frustration out on the officer. But never did I call anyone stupid nor an idiot, much less brag about my being a celebrity.”

Naiulat ng KAMI noong isang taon ang posibleng pagpadeport kay Tony sa Pilipinas pagkatapos ng NAIA incident.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Tony Labrusca ay sumikat sa role nito sa pelikulang “Glorious” kasama si Angel Aquino. Magkasama naman ngayong sa isang suspense thriller na "I Am U" sina Tony at Julia Barretto. Habang si Alex naman ay nasa isang iWant TV series din na “Oh my Mando star”.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Can you guess who this actress is just by looking at her eyes? Check out our YouTube channel — HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel