88-anyos na Pastor sa South Korea, humingi ng tawad sa pagkalat ng COVID-19

88-anyos na Pastor sa South Korea, humingi ng tawad sa pagkalat ng COVID-19

- Dalawang beses na lumuhod upang humingi ng tawad ang 88-anyos na sect leader sa South Korea

- Sinasabing kalahati ng bilang ng positibo sa COVID-19 sa kanilang bansa ay miyembro ng grupong ito

- Ito ay matapos na sampahan ng murder complaint ang tinaguriang "Promised pastor" dahil di ito nakipagtulungan sa publiko upang mapigilan ang paglaganap ng kinatatakutang virus

- Isang 61-anyos na miyembro ng kanilang sekta ang di umano'y nagkaroon ng sintomas ng virus ngunit patuloy pa rin ang pagsamba nito sa apat nilang mga simbahan

- Ito ang nakikitang dahilan sa paglaganap ng nakamamatay na virus

- Ayon pa sa ilang miyembro, dikit-dikit na nagdarasal sa sahig ang mga miyembro ng grupong ito kung saan malaki ang posibilidad na magkahawa-hawa ang mga tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi ng tawad si Lee Man-hee, ang leader ng Shincheonji, isa sa malaking sekta ng relihiyon sa Seoul, South Korea dahil sa pagkalat ng Coronavirus disease 2019 sa kanilang bansa.

Base sa ulat ng Philippine Star, tinatayang kalahati ng 4,000 kumpirmado sa virus ay miyembro ng sekta ni Man-hee.

Dahil dito, nagsampa ang awtoridad ng murder complaint laban sa 88-anyos na tinaguriang "Promised pastor" dahil di umano ito nakipagtulungan na mapigilan ang paglaganap ng virus.

"I would like to offer my sincere apology to the people, although it was not intentional, many people have been infected," nanginginig na sinabi ni Man-hee sa publiko matapos niyang lumuhod ng dalawang beses.

"I seek the forgiveness of the people," dagdag pa niya.

Base sa ulat ng Manila Bulletin, isa kasing 61-anyos na miyembro ng kanilang sekta ang kinakitaan na ng sintomas ng COVID-19 ngunit nagawa pa nitong magsimba sa apat na beses sa mga simbahan nila sa Daegu.

Ang Daegu ang ikaapat na pinakamalaking lungsod sa South Korea na pinaniniwalaang sentro ng outbreak doon.

88-anyos na Pastor sa South Korea, humingi ng tawad sa pagkalat ng COVID-19

source: AFP/Pool
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod pa rito, dikit-dikit sa sahig kung magdasal ang mga miyembro kaya naman mas mabilis daw talagang magkakahawahan ang mga ito.

Samantala, maging ang Mayor ng Seoul na si Park Won-soon ay naglabas ng saloobin niya tungkol sa di umano'y di sinasadyang paglaganap ng virus dahil sa mga miyembro ng sektang ito.

"If they had actively taken early measures, we could have prevented the explosive rise of COVID-19 cases in Daegu and North Gyeongbuk province and the deaths of several people," pahayag ng alkalde sa kanyang Facebook post.

Kasalukuyang may pinakamalaking bilang na ng mga positibo sa COVID-19 ang bansang South Korea na nasa labas ng China.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Eyes are the windows of the soul of a person. Let us see if you can recognize your favorite Pinoy star just by looking at his/her eyes.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Celebrity By Their Eyes | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel