Video call ng pakikipag-usap ng hostage-taker sa Greenhills, isinapubliko

Video call ng pakikipag-usap ng hostage-taker sa Greenhills, isinapubliko

- Binahagi ng media ang kanilang pakikipag-usap sa hostage-taker ng V-mall sa Greenhills San Juan

- Isa ito sa hiling ng nang-hostage na pinagbigyan upang makasagap din ng kalagayan ng mga na-hostage niya sa naturang mall

- Tinatayang nasa 50 na mga tao na pawang mga empleyado ng V-mall ang nasa kamay ngayon ng hostage-taker na sinibak pala na guwardiya roon

- Nabanggit niyang palalabasin naman daw niya ng buhay ang mga hawak niya ngayong tao huwag lamang may mangialam na "nagmamagaling na personnel" ayon sa panayam sa kanya ng media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakausap na ng media ang hostage-taker ng Greenhills mall sa San Juan na gumawa ng matinding kaguluhan doon ngayong tanghali, Marso 2.

Base sa ulat ng GMA News, dating security guard ng V-mall ang hostage-taker at masama ang loob nito sa pagkakasibak sa kanya.

Nagtungo ang dating sekyu sa mall na armado ng baril at sinasabing may granada pa raw ito.

Nalaman ng KAMI na pinagbigyan ang kahilingan nitong makausap ang media upang makasagap na rin ng lagay ng mga na-hostage nito na tinatayang nasa 50 katao.

Humingi ng eksaktong bilang ang media ng mga taong nasa kamay ng dating sekyu ngunit sinabi nitong hintayin na lamang na makalabas ang mga ito dahil makakaalis naman daw ang mga ito ng buhay. Ito ay kung wala raw na mamamagitang "nagmamagaling na personnel" ayon sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nasa lugar na rin sina San Juan Mayor Francis Zamora, National Capital Region Police Office Director Debold Sinas at San Juan Police Chief Jaime Santos upang masiguro ang kaligtasan ng mga tao roon lalo na ng mga na-hostage.

Naiulat din ng KAMI na nakaalalay na rin ang Special Weapons and Tactics (SWAT) sa mga pulis sa lugar.

Ayon sa ulat ng SunStar, lalong naghimutok ang sekyu nang sinubukan pa nitong manghikayat sa mga kapwa niya security guard ngunit wala ni isang sumama sa kanya.

Ito ang naging hudyat upang isagawa niya ang pangho-hostage.

Binahagi ng Philippine Star ang nakunang video sa usapan ng media at hostage-taker:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Eyes are the windows to the soul of a person. Let us see if you can recognize your favorite Pinoy star just by looking at his/her eyes.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Celebrity By Their Eyes | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel