Sinibak na sekyu sa Greenhills, nang-hostage ng 50 na katao

Sinibak na sekyu sa Greenhills, nang-hostage ng 50 na katao

- Isang hostage-taking ang naganap sa Virra Mall o V-mall sa Greenhills kung saan isang dating security guard ng naturang mall ang hostage-taker

- 50 katao ang nasa kamay na ng suspect na karamihan ay mga empleyado rin ng mall

- Isa ang naiulat na nabaril ngunit nadala na ito sa ospital at nasa maayos nang kalagayan

- Kinumpirma ng alkalde ng San Juan na sumama ang loob ng guwardiya sa pagkakasibak sa kanya kaya niya ito nagawa

- Ayon sa mga naunang ulat armado umano ang sekyu ng baril at granada

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matinding komosyon ang naganap sa Virra Mall sa Greenhills Shopping Center nang mambulabog ang isang hostage-taker na dating sekyu sa naturang mall.

Base sa ulat ng GMA News, nasa 50 katao ang nasa kamay ng hostage-taker.

Kinumpirma ni San Juan Mayor Francis Zamora na sumama ang loob ng dating sekyu sa pagkakasibak sa kanya.

Sinusubukan pang manghikayat ng iba pang mga guwardiya ang hostage-taker ngunit siya ay nabigo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Di pantay-pantay na pagtrato" ang narinig na sinasabi ng sekyu habang dinadala sa ikalawang palapag ang kanyang mga na-hostage.

Naka-lockdown na ang mall dahil sa pagpapaputok ng hostage-taker ng baril at sinasabing may dala pa umano itong granada.

Sa ulat ng Philippine Star, nakakausap ng awtoridad ang nang-hostage sa pamamagitan ng video call.

Hiling nito na makausap ang mga kapwa niya guwardiya at nais din nitong humarap sa media.

Isa ang naiulat na nabaril sa naturang insidente ngunit agad namang nadala ito sa ospital. Kapwa rin niya security guard ang nasaktan na ito.

Binahagi ng Spot PH ang opisyal na pahayag ng Greenhills Shopping Center sa naturang insidente.

Nasa loob na rin ng naturang mall sina National Capital Region Police Office Director Debold Sinas at San Juan Police Bhief Jaime Santos.

Rumesponde na rin ang Special Weapons and Tactics (Swat) sa lugar.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Eyes are the windows of the soul of a person. Let us see if you can recognize your favorite Pinoy celebrity just by looking at his/her eyes.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Celebrity By Their Eyes | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel