Mike Tan, proud dad at ibinahagi ang kanyang baby girl number two

Mike Tan, proud dad at ibinahagi ang kanyang baby girl number two

- Masayang ibinahagi ni Mike Tan ang candid moment kasama ang pangalawang baby girl

- Proud dad si Mike habang nasa delivery room at ipinapanganak ang pangalawang anak na si Priscilla

- Nagpost pa si Mike habang pinuputol niya ang umbilical cord ng baby na nakakabit pa sa asawa nito

- Ang mga kasamahang Kapuso artists naman ay nagpahayag ng kani-kanilang congratulatroy messages sa post ni Mike

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi na ng Kapuso heartthrob na si Mike Tan ang pangalawang anak nito sa kanyang Instagram post.

Ipinanganak ang 2nd baby girl ni Mike noong February 26 at masayang binalita niya sa kanyang IG post na ipinanganak na nga si baby Priscilla C. Tan.

Makikita ang saya ni Mike sa photo niya na naka-scrub suit at inanunsyo ang pagsilang ng kanyang baby girl na si Priscilla.

May caption din ang photo na, “Guess who I met for the first time today?"

Sa isa pa nitong post, may quote sa bible na ibinahagi si Mike at nakasaad dito ang verse na galing sa Psalm 127:3 na: “Children are a gift from the Lord; they are a reward from Him.”

Dito rin sa post na ito makikitang pinuputol pa ni Mike ang umbilical cord ng kanilang baby girl.

Sa mga post ni Mike makikita ang comments ng mga kasamahan niya sa GMA 7 na bumati sa bagong ama. Si Jak Roberto na kasamahan nito sa teleseryeng “Kara Mia” ay nagpahayag din ng congratulatory message.

Si Maxine Magalona naman ay proud na nagpost ng: “OMG! Father of the year award! Congratulations!”

Noong isang taon, ipinakita ni Mike sa unang pagkakataon ang picture ng asawa habang nanganganak noong May 2018 sa isa pang post nito.

Pawang sa post lamang nito sa Instagram pinapasilip ni Mike ang asawa. Noong January 22 ay may post ito na kuha noong kasal nilang mag-asawa.

Sa naunang balita ng KAMI, naiulat ang pagsilang ng asawa nito sa kanilang first baby girl na si Victoria C. Tan na ipinaganak naman noong November 29, 2018.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Mike at ang longtime girlfriend nito na kilala lang sa tawag niyang “Cris” ay 12 years nang magkasintahan bago sila nagpakasal noong January 22, 2018.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

The eyes are the mirror of one's soul, is this true? And can you guess your favorite stars just by looking at a photo of their eyes? Try it with us in our newest video on our YouTube channel—HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel