Bonggang wedding ni Frencheska Farr at Gino Jose, star-studded!

Bonggang wedding ni Frencheska Farr at Gino Jose, star-studded!

- Present ang star-studded na barkadahang “Tiki” ni Mr. ang Mrs. Jose sa kasalan nila sa Batangas

- Napakaganda at blooming ng bride na suot ang napakasimple ngunit eleganteng gown at ang mga bridesmaid naman ay cool and radiant sa kanilang blue gowns

- Ibinahagi nina Aicelle Santos at Gian Magdangal sa kanilang Instagram stories ang kasalan ng kaibigan

- Simple but elegant ang beach wedding na dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan sa industriya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Star-studded ang beach wedding ni Frencheska Farr at Gino Jose sa isang resort sa Calatagan, Batangas.

Pagkatapos ng tatlong taon pagpapakasal nina Frencheska at non-showbiz boyfriend sa Amerika noong 2017, balik Pinas ang dalawa upang magpakasal ulit. Kasama ang malalapit na kaibigan ng dalawa, ginanap ang kasalan noong February 28 sa Stilts, Beach Resort.

Present din ang mga dating kasama ni Frencheska sa GMA 7 show na “Party Pilipinas”at “Sunday All Stars” na sina Aicelle Santos, Wyn Marquez, Maricris Garcia, Gian Magdangal at Rocco Nacino.

Naging malapit ang mga ito sa isa’t isa at pinangalanan ng mga ito ang kanilang barkadahang “Tiki”.

Elegante ngunit napaka laid-back ng wedding nina Frencheska at Gino na pinili ang lugar dahil sa nakakabighaning view nito.

Ibinahagi din ng mga kaibigan sa showbiz at talents ng GMA 7 na sina Aicelle at Gian sa kani-kanilang Intagram stories ang beach wedding.

Napaka-simple ngunit ang ganda at blooming ng bride sa kanyang gown at naka-blue terno naman si Gino na naging emotional habang naglalakad ang bride papunta ng altar.

Ang close friend ng groom at filmmaker na si Dino Pastrano ang siyang nag-officiate ng kasal ng dalawa.

Naging wedding date naman ng mga bisitang sina Rocco Nacino at Melissa Gohing ang okasyon. Samantala, si Aicelle Santos naman ay kasama ang asawang si Mark Zambrano.

Naiulat ng KAMI ang kasalan nina Aicelle at Mark na ginanap din sa Batangas noong nakaraang taon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Frencheska Farr ay ang grand winner ng “Are you the next Big Star”— isang reality singing competition show ng Kapuso network noong 2009. Sina Frencheska at Gino ay nagpakasal na sa isang civil wedding ceremony sa Las Vegas noong 2017.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

If you're really a big fan of an artist, can you recognize them just by looking at a photo of their eyes? Have fun watching our tricky questions on our YouTube channel - HumanMeter.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel