2 padyak drivers, sinurpresa ng isang nagmalasakit sa kanilang kalagayan

2 padyak drivers, sinurpresa ng isang nagmalasakit sa kanilang kalagayan

- Viral ang nakakaantig na video ng pagsurpresa ng isang babae sa dalawang padyak drivers ng mga bagong pedicab

- Makikita sa video kung gaano kaluma na ang minamaneho ng dalawa at marahil hirap na rin silang gamitin ang mga ito

- Isang babaeng nakakaangat sa buhay ang sinurpresa ang dalawang driver na nagtatrabaho ng marangal

- Mapapansing labis-labis ang kasiyahan ng dalawang padyak drivers lalo pa at nakatanggap din sila ng pera bukod sa bagong mga pedicab

- Umabot na sa halos 3 million ang views ng nakakataba ng pusong video na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang natuwa para sa dalawang padyak driver na nabiyayan ng bagong pedicab mula sa isang nagmalasakit na babaeng nakakaangat sa buhay.

Binahagi ng netizen na si Rholyn Sorsano ang nakakaantig ng puso na video kung paano sinurpresa ng babae ang dalawang padyak driver.

Makikita sa video ang luma at wala nang kulay na pedicab ng dalawa. Ito ang ginagamit pa nila sa araw-araw nilang paghahanapbuhay.

Di alam ng mga tsuper na may nakaabang palang biyaya sa garahe ng babae.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sila mismo ang nagbukas ng takip ng dalawang bagong-bago na mga pedicab.

Bakas sa mga ngiti ng dalawang driver ang kasiyahan sa di inaasahang surpresa para sa kanila sa araw na iyon.

Bukod sa sasakyan, inabutan pa ng pera ng babae ang dalawa na animo'y nagbigay ng gantimpala sa kasipagan ng dalawang tsuper.

Humanga ang mga netizens sa kabutihan ng babaeng nagmalasakit sa dalawa. hangad nila ng lalo pang biyayaan ang babae dahil marunong itong magbahagi ng kung ano ang mayroon siya.

Narito ang kabuuan ng video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Eyes are windows to the soul of a person. Let us see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Celebrity By Their Eyes | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel