Estudyanteng nakiusap ng P30 down payment, ginawan ng libreng gown

Estudyanteng nakiusap ng P30 down payment, ginawan ng libreng gown

- Umantig sa puso ng marami ang isang Facebook post ng isang designer tungkol sa isang dalagang gustong maka-attend sa kanilang JS Prom ngunit walang budget

- Nagtanong daw sa kanilang shop ang dalaga para sa gagamitin nitong gown sa darating na JS Prom sa eskwelahan nito

- At kahit pa nga raw pinakamababang presyo na ang ibinigay nito ay tila ikinalungkot pa rin ito ng dalaga

- Naging tapat pa nga raw ito nang sabihing P30 lamang ang kaya nitong ibayad bilang down payment

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso ng marami ang isang Facebook post ng isang designer tungkol sa isang dalagang gustong maka-attend sa kanilang JS Prom ngunit walang budget.

Marami ang humanga sa naturang fashion designer dahil sa kanyang kabutihang-loob para sa estudyante.

Ayon Facebook post ni Rica Cariño Lopez, nagtanong daw sa kanilang shop ang dalaga para sa gagamitin nitong gown sa darating na JS Prom sa eskwelahan nito.

At kahit pa nga raw pinakamababang presyo na ang ibinigay ni Lopez ay tila ikinalungkot pa rin ito ng dalaga.

Bumulong pa raw ito sa kanya at sinabing nais na sana nitong ipa-reserve ang gown na nagustuhan nito ngunit ang maibibigay lamang nito ay halagang P30 lang.

Dahil dito, ipinagtanong daw ni Lopez sa isang kakilala ang tungkol sa estudyante at doon na raw nito napag-alaman na mahirap lamang ang buhay nito.

Upang makatulong na rin, nagdesisyon si Lopez na gawan ng gown ang naturang dalaga ng libre.

Sa kanyang post, ipinakita pa ni Lopez ang ilang larawan habang isinusukat ng estudyante ang gown na ginawa para sa rito.

Maraming netizens ang pumuri kay Lopez at kanyang mga kasama at mabilis na nag-viral ang istoryang ito sa social media.

"Sbi nga ni YORME ISKO sana mabasa kyo ng ulan para dumami kayo."
"God bless, subrang sarap sa pakirAmdam kpg nakakatulong ka sa ibang Tao.pagpalain po kayo."
"Wow.napakabait nyo po,godbless po."
"Good job mam and sir si God na bahala magsukli sa kabaitan nyo..God bless you always."
"Isa po kayong mabuting example sa ibang tao nawa po sana ay marami pang taong gumawa ng mabuti tulad nyo po."
"Bait nyo po sna lahat NG tao maawain at maunawain . Godbless po."
"GOD BLESS PO.Sana marami pang kagaya ninyo na handang tumulong."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pinoy Confessions: Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit nang lapit sa’yo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender. – on Humanmeter!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel