Arkitekto, binigyan ng chance ang 1 palaboy at namangha sa talento nito

Arkitekto, binigyan ng chance ang 1 palaboy at namangha sa talento nito

- Nasorpresa ang isang arkitekto sa talento ng isang palaboy na gumawa ng signage ng kanyang convenience store

- Aminado naman ito na nagduda siya noong unang lumapit sa kanya ang matandang lalaki

- Pero dahil sa awa, binigyan niya pa rin ng pagkakataong makapag-hanapbuhay ang estranghero at 'di naman nabigo

- Maging ang mga netizens ay naantig ang damdamin sa nakatutuwang istoryang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi raw talaga inasahan ng isang arkitekto ang kinalabasan ng kanyang pagmamagandang-loob sa isang palaboy na nakilalang si Ruben Verches aka "Mang Ruben".

Sa Facebook post ni Donn Brian Camus, mula sa Pasig, ibinahagi nito ang larawan ng signage para sa kanyang convenience store na si Mang Ruben ang gumawa.

Aminado naman ito na nagduda siya noong unang lumapit sa kanya ang matandang lalaki.

Pero dahil sa awa, binigyan niya pa rin ng pagkakataong makapag-hanapbuhay ang estranghero at 'di naman nabigo dahil naging maganda ang proyektong ipinagkatiwala niya kay Mang Ruben.

"Duda ako noong una kasi syempre baka hindi maayos ang kalabasan kapag manual paint lang at kung hindi maayos ang kalabasan eh ipapabura ko na lang tapos papalitan ng stickers or stencil.

"Pero nung nalaman kong palaboy at sa ilalim lang pala ng flyover yung sinasabi nyang pwesto nya tapos yung mga gamit at signage maker box nya at iniipon dw nyang mga kalakal eh kinuha ng mga sweepers mejo nakaramdam ako ng awa kaya parang tulong ko na lang din sa kanya. Pwede ko naman ipabago kung sablay talaga," ani Camus sa kanyang post.

Hinikayat din ng arkitekto ang netizens na huwag mag-atubiling magbigay ng pagkakataon sa mga taong katulad ni Mang Ruben.

"Minsan kailangan lang talaga natin magbigay ng konteng tiwala sa taong nagpipilit mabuhay ng marangal para kahit paano madagdagan ang pag-asa nila sa buhay."

Upang mas matulungan ang matandang lalaki, kinuhanan niya ito ng larawan sa tapat ng convenience store at ipinakita ang gawa nito para ibahagi sa social media.

Hindi naman nabigo si Camus dahil ayon sa update nito ay mayroon nang kumokontak sa kanya para kunin ang serbisyo ni Mang Ruben.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pinoy Confessions: Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit nang lapit sa’yo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender. – on Humanmeter!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel