Nanay na maghahatid sa school, naiwan mismo ang mga anak

Nanay na maghahatid sa school, naiwan mismo ang mga anak

- Talagang napahalakhak na lamang ang isang ginang na maghahatid sa eskwelahan nang mapagtanto nito na naiwan niya ang mismong mga anak sa kanilang bahay

- Sa video na ibinahagi nito, ipinakita pa nito ang loob ng kanyang sasakyan habang ibinabahagi ang naging karanasan

- Mabilis itong nag-viral at umabot pa ang sa mahigit apat na milyon ang views sa kasalukuyan

- Sa isa pang video na ibinahagi nito, makikita na pinagtawanan din ito ng kanyang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talagang napahalakhak na lamang ang isang ginang na maghahatid sa eskwelahan nang mapagtanto nito na naiwan niya ang mismong mga anak sa kanilang bahay.

Sa viral video sa Twitter na ilang beses naibahagi ng mga netizens, napansin na lamang ng ginang na hindi niya kasama ang mga anak habang nasa daan na ito.

Ang masaklap pa, malayo na ito mula sa kanilang bahay nang ma-realize na wala pala itong kasama sa sasakyan.

"I'm driving to school without my kids!" natatawang sabi nito.

Sa isa pang video ng ginang, makikita naman na nakauwi na ito para balikan ang kanyang mga anak.

Tawang-tawa pa rin ito sa ikalawang video at maging ang dalawa nitong anak ay pinagtawanan na rin ang ina nila.

At mukhang sa sobrang pagkaaliw ng ginang ay nakalimutan na rin nito na buksan ang lock ng pinto ng kanyang sasakyan.

Hindi kasi makapasok ang isang anak nito sa loob ng sasakyan habang nagtatawanan ang mga ito na nakita rin sa video.

Mabilis itong nag-viral at umabot pa ang sa mahigit apat na milyon ang views sa kasalukuyan.

"She rlly drove her kids to school but her kids weren’t in the car i can’t stop laughing."
"Imagine stepping outta the house, backpack in hand and seeing your moms pull out the driveway and speed down the block."
"Too funny! This Mom should post her ‘Life With Kids!’ Videos. Hilarious!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pinoy Confessions: Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit nang lapit sa’yo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender. – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel