Ayan kasi! Lalaking napasilip dahil sa chicks, literal na "na-fall"

Ayan kasi! Lalaking napasilip dahil sa chicks, literal na "na-fall"

- Marami ang natawa at naaliw sa isang CCTV footage kung saan huli-cam ang isang lalaki habang iniispatan ang isang dalaga

- Pero sa kanyang pagsipat ay literal na nahulog ang lalaki at bumaligtad sa railings

- Maging ang dalaga ay nagulat din sa nangyari nang mapalingon ito

- Habang si kuya naman ay nagpanggap na lamang na parang walang nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon sa social media ang nakakatawang nangyari sa isang lalaki na nahuli-cam sa isang CCTV.

Sa CCTV footage na ibinahagi ng netizen na si Aljo Maquiling at naitampok na rin sa GMA News, kita nang ispatan ng lalaki ang isang dalaga.

Sa unang bahagi ng video, makikitang tinawag lamang ito ng dalawang lalaki na kasamahan nito at pagkatapos ay nagmamadali na itong lumabas upang silipin ang dalaga.

Pero sa kanyang pagsipat ay literal na nahulog ang lalaki at bumaligtad sa railings.

Mabuti na lamang at nakahawak ito at maayos na nakabalik.

Maging ang dalaga ay nagulat din sa nangyari nang mapalingon ito. Habang si kuya naman ay nagpanggap na lamang na parang walang nangyari.

Ang mga netizens naman, aliw na aliw sa naturang video na may daang-libo nang views sa Facebook.

"HAHA. Literal na crash landing on you pati ata ang babae nagulat eh."
"Dapat mata lang ang pagagalawin mo para kung kasama nya jowa nya,di ka mapapahamak."
"NO woman, NO pain! walang ka alam alam si ate na kasalanan nya ang lahat! winner ka kuya! dami mo napasaya!"
"Bkt kc hindi kana lng bumaba kc kuya ayan tuloy napahiya kpa muntik kpg mapahamak."
"Ano ba yan, ang daming beses ko na to nakita, pero tawa pa din ako ng tawa sa kanya."
"pag tumingin ka hulog ka."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pinoy Confessions: Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit nang lapit sa’yo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender. – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel