Mommy Divine is shaking! Nanay sa 1 video, inilayo ang anak sa kasayaw na BF

Mommy Divine is shaking! Nanay sa 1 video, inilayo ang anak sa kasayaw na BF

-Sa gitna ng mainit na isyu na kinakaharap ng pamilya ni Sarah Geronimo, partikular na ang kanyang Mommy Divine, isang viral video ngayon ang nali-link sa kanila

-Pero ang nasabing viral video, tungkol naman sa nanay at sa anak nitong debutante

-Ang nanay kasi rito, biglang umeksena habang nagsasayaw ang anak nito at ang nobyo pala nito

-Kaya naman ang mga netizens, 'di naiwasang ikumpara ito sa trending na ina ni Sarah G.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa gitna ng mainit na isyu na kinakaharap ng pamilya ni Sarah Geronimo, partikular na ang kanyang Mommy Divine, isang viral video ngayon ang nali-link sa kanila.

Pero ang naturang video, tungkol naman sa isang nanay na bigla na lamang umeksena habang nagsasayaw ang anak na debutante at ang nobyo pala nito.

Ayon sa uploader na si Romel Cayao Mutya, tila doon pa lamang nalaman ni mommy na boyfriend pala ng anak ang last dance nito.

Bagamat kita naman sa video na nakisakay lang ang nanay sa kantyawan at hiyawan ng mga guests.

Isa lang din itong normal na ina na nais lamang na protektahan ang kanyang dalaga.

Ngunit ang mga netizens, hindi naiwasang ikumpara ito sa viral na nanay ni Sarah G. lalo pa at mainit na mainit pa ang isyu nang pagtutol diumano ni Mommy Divine sa pagpapakasal ng anak sa mister nito na si Matteo Guidicelli.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Una nang naiulat ng KAMI nang pumunta pa nga sa programa ni Raffy Tulfo ang isa sa mga bodyguard ni Sarah para isiwalat ang nangyaring eskandalo sa kasal ng dalawa.

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

POPULAR: Read more about Sarah Geronimo here!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pinoy Confessions: Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit nang lapit sa’yo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender. – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel