Pag-iyak ni Sarah Geronimo sa gitna ng kanyang concert, muling naging usap-usapan

Pag-iyak ni Sarah Geronimo sa gitna ng kanyang concert, muling naging usap-usapan

- Matapos ang kontrobersiyal na kasalang Matteo at Sarah at ang gulong namagitan sa kanila ni Mommy Divine, muling pinag-usapan ang pag-iyak ng popstar sa sariling concert

- Matatandaang hindi napigilang maging emosyonal ni Sarah sa sariling concert

- Tila iniugnay ng mga netizens ang eksenang iyon sa kanyang concert sa pagiging mahigpit ng ina

- Matatandaang naiyak si Sarah sa isa sa mga concert niya sa ibang bansa noong taong 2018

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos lumabas ang kontrobersiya tungkol sa diumano'y panggugulo ni Mommy Divine sa kasalang Matteo Guidicelli at anak na si Sarah Geronimo matapos mapag-alaman ang tungkol sa kasal at hindi siya naabisuhan, tila naiugnay ng mga netizens ang eksena sa isang concert ni Sarah noong 2018.

Hindi naging maganda ang reaksiyon ng karamihan sa lumabas na balita tungkol kay Mommy Divine. Gayunpaman, may mga artistang nagpahayag ng kanilang suporta kay Mommy Divine.

Muling naibahagi sa social media ang pag-iyak ni Sarah sa isa sa kanyang mga concerts sa abroad noong taong 2018.

Emosyonal na ibinahagi ni Sarah na tila may kulang sa buhay niya sa kabila ng mga tinatamasang biyaya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Hindi 'yung mga successful na mga shows at hits ang makakapagkumpleto sa'yo o makakapagpasaya sa'yo bilang tao. kundi, 'yung tunay na pagmamahal na 'di nagbabago. Perpekto ka man o hindi," aniya habang pinipilit pigilin ang pag-iyak.

Bumuhos naman ang reaksiyon ng netizens sa nasabing video:

You deserve to be happy Sarah, I really admire you for being so talented, walang mabigat na naging issue sayo sa showbiz , your so humble. Be happy despite of your mom for not accepting Matteo to be your husband..... We love you Sarah, you deserve to be happy.
Disobeying your parents to follow your heart is not wrong especially when you exerted all efforts to appease your family Sarah G. Your mom mOmmy Divine has been unreasonable in asserting her will you are no longer a teen ager but an adult with your own life and family to built. You have been a good daughter it is about time for your parents and siblings to do their part and to stand on their own you can alwasys extend assistance to them if needed be

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Sa naunang ulat, pinasalamatan ni Daddy Delfin si Sarah dahil sa pagtulong nito sa kanilang pamilya.

POPULAR: Read more about Sarah Geronimo here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Celebrity Tricky Questions: Human Meter asked random people to guess the celebrities by their eyes only. Click the play button and see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel