Daddy Delfin, abot-abot ang pasalamat sa anak na si Sarah dahil sa tulong nito sa pamilya

Daddy Delfin, abot-abot ang pasalamat sa anak na si Sarah dahil sa tulong nito sa pamilya

- Sa isang panayam bago pa man naganap ang kontrobersiyal na kasalang Matteo at Sarah, pinasalamatan ni Daddy Delfin si Sarah Geronimo

- Pinasalamatan din ng popstar ang kanyang mga magulang para sa mga sakripisyo nila para sa kanya

- Paglilinaw ni Sarah, walang anumang makakapagpapabago ng kanyang pagmamahal at pagrespeto sa kanyang mga magulang

- Para naman kay Daddy Delfin, gusto lamang niyang mapunta sa magandang kalagayan ang kaniyang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Apat na buwan bago maganap ang kontrbersiyal na Christian wedding nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, naging guest ng Talk Show na Magandang Buhay ang mag-amang Sarah Geronimo at Daddy Delfin.

Hindi nakaligtaang magpasalamat ng popstar sa kanyang mga magulang dahil sa mga naging sakripisyo ng mga ito para marating niya ang kanyang kasalukuyang estado.

Paglilinaw ng singer-actress, kahit sino pa man ang taong dumating sa buhay niya, hinding-hindi magbabago ang kanyang pagmamahal at respeto sa kanyang mga magulang at pati na rin sa kanyang mga kapatid. Dagdag pa niya para sa kanya, number 1 ang family.

Bilang mensahe naman sa anak, pinayuhan ni Daddy Delfin si Sarah na maging matatag sa kabila ng mga pagsubok. Tanging hangad lamang daw niya bilang magulang ay mapabuti ang buhay ng kaniyang mga anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinasalamatan din niya si Sarah sa magandang buhay na naibigay nito sa kanila.

Wala din daw magbabago sa kanilang pamilya kahit na magkaroon ng sariling pamilya ang kanyang anak.

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

POPULAR: Read more about Sarah Geronimo here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Celebrity Tricky Questions: Human Meter asked random people to guess the celebrities by their eyes only. Click the play button and see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel