Isang OFW, nakapag-ipon ng malaking halaga matapos tanggalin ang kanyang bisyo

Isang OFW, nakapag-ipon ng malaking halaga matapos tanggalin ang kanyang bisyo

- Marami ang humanga sa isang netizen na nagbahagi ng kwento kung paano siya nakapag-ipon

- Ayon sa kanya, iniwasan niya ang kanyang bisyo kagaya ng paninigarilyo at paglalaro ng computer games

- Napagtanto niyang malaki pala ang kanyang maiipon kung tatanggalin niya ang kanyang bisyo

- Umabot sa isang milyong piso ang kanyang naipon matapos ang tatlo't kalahating taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng Facebook user na si Neil Ryan Lorenzo ang kanyang naipon matapos mapagpasyahan na itigil ang kanyang bisyo kagaya ng paninigarilyo at paglalaro ng games. Sa loob ng tatlo't kalahating taon, nakaipon siya ng mahigit isang milyong piso.

Bukod sa ipon, naging maganda din daw ang kanyang kalusugan dahil mas naging madisiplina siya sa pagkain. Ang dating timbang na umabot sa 85 Kilograms ay bumaba at naging 75 kilograms na lamang.

Pinasalamatan niya ang isang Facebook page kung saan ibinabahagi ang iba't-ibang paraan ng pagtitipid at na engganyo siyang magtipid. Pinasalamatan niya rin ang kanyang pamilya at ang Panginoon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagbahagi siya sa mga netizens ng kaunting pera bilang pandagdag sa panggastos nitong nakaraang pasko. Nag raffle siya upang mabigyan ang tatlong maswerteng netizen na nag-share ng kanyang post.

Pagbabahagi niya, pag-uwi niya sa Pilipinas, magbibigay siya sa simbahan, sa kanyang mga magulang at sa ilang mga taong mangangaailangan ng tulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Celebrity Tricky Questions: Human Meter asked random people to guess the celebrities by their eyes only. Click the play button and see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel