Mga Aeta, nabigyan ng surpresa matapos ibigay ang paninda sa nagkunwaring walang pera

Mga Aeta, nabigyan ng surpresa matapos ibigay ang paninda sa nagkunwaring walang pera

- Viral ang social experiment ng vlogger na si Basel tungkol sa kabutihang pinakita sa kanya ng mga katutubong Aeta

- Nagtitinda raw ang mga katutubo ng alkansya at iba pang produkto na sila mismo ang gumawa

- Nagpanggap ang vlogger na walang pera ngunit nagtiwala ang mga Aeta at naniwala kaya naman binigay na lamang nila ang kanilang produkto na libre

- Nang bumalik ang vlogger, pinakyaw niya lahat ang paninda ng mga ito at pinasobrahan pa niya bilang tulong na rin sa mga ito at sa pagpapakita nila ng kabutihan sa kapwa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang nagpaluha sa ilan ang nakakaantig ng pusong vlog ni The Hungry Syrian Wanderer tungkol sa mga Aeta na naglalako ng kanilang produkto sa Maynila.

Hinanap talaga ng vlogger ang mga katutubo upang sila'y matulungan.

Isang netizen ang nakapagturo sa kinaroroonan ng mga ito kaya naman napuntahan ito ng vlogger na si Basel at nakakwentuhan.

Nalaman ng KAMI na ang mga katutubong ito mismo ang gumagawa ng paninda nilang alkansya at tila maliit na plawta.

Nagpakita ng interes sa mga produkto ng Aeta ang vlooger ngunit nagkunwari itong walang dalang pera.

Naniwala ang mga Aeta at pumayag na ibigay ang paninda kahit wala itong bayad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagpasalamat naman si Basel na gulat na gulat sa pinakitang kabutihan ng mga katutubo.

Dahil dito, agad silang bumalik at sinurpresa ang mga Aeta. Pinakyaw niya ang mga paninda nito at pinasobrahan pa niya ang bayad.

Di lamang ito, ilan lamang ang kanyang kinuha upang mabenta na lamang muli kinabukasan ng mga katutubo ang mga panindang bayad na.

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang mga katutubo. Hangad naman ng vlogger na sana ay mga mga taong mabubuti rin ang puso na tumulong sa mga kababayan nating Aeta na naghahanapbuhay ng maayos at sila mismo ang gumagawa ng kanilang mga paninda.

Narito ang kabuuan ng video:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Eyes are the soul of a person. Let us see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes.

Celebrity Tricky Questions: Guess The Celebrity By Their Eyes | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica