Pasahero, kawawa matapos kuyugin dahil sa napagbintangan umano ng panghihipo

Pasahero, kawawa matapos kuyugin dahil sa napagbintangan umano ng panghihipo

- Isang lalaki ang kinuyog ng mga tao matapos diumanong mapagbintangan ng panghihipo

- Punit-punit ang damit ng nasabing lalaki matapos sabihin ng isang pasahero na hinipuan siya

- Giit ng lalaki, hindi niya iyon ginawa at bag lamang niya ang nakasagi sa babae

- Maraming netizen naman nag nakisimpatya sa lalaki at nagsabing hindi maiwasang masagi lalo at siksikan sa pampublikong sasakyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang video ng lalaking muntik nang mabugbog ang kumakalat ngayon sa social media. Ayon sa post, napagbintangan lamang ang lalaki.

Isang babaeng pasahero ang maririnig sa nasabing video na umiiyak. Ayon sa kanya, hinipuan siya ng lalaki. Gayunpaman, giniit ng lalaking inaakusahan ng panghihipo na tanging bag lang nito ang nakasagi sa babae.

Dahil sa naging reaksiyon ng babae, marami sa mga pasahero ng jeep ang nag-udyok sa lalaki na bumaba na lamang. Napunit na rin ang kanyang damit matapos siyang hila-hilahin ng mga tao sa labas ng jeep.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isang walang kalaban-laban na lalaki ang napagbintangan ng babae ng pambabastos matapos umanong masagi ang maselang parte nito sa loob ng jeep. Pero giit ng lalaki nasagi lamang si ate ng kanyang bag. Kayo na po humusga kung tama ba ang ginawa nila kay kuya.

Sa kabila ng mga reaksiyon ng kapwa niya pasahero, tila mas napunta sa lalaki ang simpatya ng mga netizens.

Ayon sa ilan sa mga netizens, hindi maiiwasang masagi lalo at siksikan ang sitwasyon sa mga pampublikong sasakyan.

Matatandaang naging viral din ang video ng isang babae na nanakit sa matandang napagbintangan niyang nangbastos sa loob ng isang e-jeep.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Celebrity Tricky Questions: Human Meter asked random people to guess the celebrities by their eyes only. Click the play button and see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel