Alex Gonzaga, biniktima ang ilang kapamilya at kaibigan sa pamamagitan ng prank calls

Alex Gonzaga, biniktima ang ilang kapamilya at kaibigan sa pamamagitan ng prank calls

- Marami ang naaliw sa panibagong vlog na ibinahagi ni Alex Gonzaga sa kanyang YouTube Channel

- Ibinahagi niya ang kanyang prank calls sa kanyang kapamilya, kaibigan at sa kasintahang si Mikee Morada

- Kabilang sa kanyang nabiktima ng prank calls ay ang kanyang ate na si Toni Gonzaga, Mommy Pinty at ang kanyang Uncle Jojo

- Pumalo na sa mahigit 1 milyon ang views ng nasabing video ilang oras pa lamang itong ibahagi sa YouTube

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nagpasabog ng aliw at katatawanan ang YouTube star na si Alex Gonzaga. Sa kanyang pinakabagong YouTube video, ibinahagi niya kung paano niya nabiktima ng prank calls ang kanyang pamilya, kaibigan at maging ang kanyang kasintahang si Mikee Morada.

Unang tinawagan ni Alex ang kanyang ate at nagkunwaring hindi pinapayagang makadaan sa isang checkpoint. Mahinahong nakipag-usap si Toni at pinayuhan si Alex na huwag nang tumuloy.

Hindi nito nabosesan si Alex at napaniwalang taga-baranggay ang kanyang nakausap.

Gayunpaman, hindi nakalusot sa kasintahang si Mikee Morada ang kanyang prank at tila nakatunog itong binibiro lamang siya ni Alex.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kabilang din sa kanyang tinawagan sina Melai Cantiveros, Luis Manzano, ang kanyang Mommy Pinty at ang kanyang Uncle Jojo.

Marami ang naaliw sa vlog ni Alex at pumalo na nang mahigit 1 milyon ang views ng nasabing video matapos lamang ang halos 7 oras mula ng ito ay ibinahagi sa YouTube.

Si Alex Gonzaga ay isang aktres, endorser at social media personality. Siya ang nakababatang kapatid ng TV host/actress na si Toni Gonzaga.

Sa naunang ulat, ipinagtanggol ni Alex ang kanyang ate na si Toni laban sa mga negatibong isyung ibinabato ng mga bashers.

POPULAR: Read more about Alex Gonzaga here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sobrang mag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din na sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya. Panoorin ang kanilang kwento! Panoorin ang iba pang nakakaaliw na videos sa aming KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel