Nakakaiyak! Bride, biglang huminto habang naglalakad papuntang altar

Nakakaiyak! Bride, biglang huminto habang naglalakad papuntang altar

-Umantig sa damdamin ng marami ang naging kaganapan sa isang kasalan na ibinahagi ng isang netizen

-Nabalot kasi ng tensyon ang loob ng isang simbahan nang bigla na lamang huminto ang bride sa paglalakad habang papunta ito sa altar kung saan naghihintay ang kanyang groom

-Ayon sa post, hindi nagpatuloy ang bride hanggang sa dumating ang hinintay na ama

-Talagang marami ang naiyak at humanga sa kakaibang kwentong ito ng isang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa damdamin ng marami ang naging kaganapan sa isang kasalan na ibinahagi ng isang netizen sa social media.

Ayon sa post ng photographer na si Jamel Ara Pasilan, nabalot ng tensyon ang loob ng isang simbahan nang bigla na lamang huminto ang bride sa paglalakad habang papunta ito sa altar kung saan naghihintay ang kanyang groom.

Sa kabila ng panghihikayat ng mga tao sa loob ng simbahan ay hindi pa rin nagpatuloy ang bride.

Sabi ni Pasilan, nanindigan ang bride na hintayin ang ama nito. Doon na napansin ng netizen na wala nga ang tatay ng bride sa dapat ay pwesto nito.

Umabot daw sa ilang minuto ang paghihintay ng bride at ng lahat kay daddy hanggang sa humahangos na dumating na ito.

Sa mga larawang ibinahagi ni Pasilan, makikita kung gaano naging emosyonal ang lahat dahil sa nangyari.

Samantala, napag-alaman naman na kaya pala nahuli ang ama ng bride ay dahil hindi raw ito pinayagang makapag-park sa simbahan kaya naman kinailangan pa nitong bumalik sa hotel kung saan sila nananatili.

Nag-taxi lamang ito pabalik sa simbahan ngunit dahil sa matinding traffic ay napilitan na daw talaga itong umangkas sa isang motor.

Nagalit pa nga raw noong una ang motorista pero nang sabihin ni daddy ang kanyang dahilan ay pumayag na rin ito.

"He might be thinking his little girl is waiting for him.

"And yes, she is waiting for Daddy in the middle of the aisle," sabi pa ni Pasilan.

Talagang marami ang naiyak at humanga sa kakaibang kwentong ito ng isang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pinoy Confessions: Ano ang gagawin mo kung may katrabaho kang lapit nang lapit sa’yo kahit alam niyang may girlfriend ka at may asawa siya? Tara't tulungan natin ang ating sender. – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel